CHAPTER 74: Secretly In Danger

1.3K 111 53
                                    


Kumatok si Dave sa kwarto namin ni Ate Bel mga alas otso ng gabi.

"Everything okay?" Tanong niya pagbungad ng kanyang mukha sa pintuan.

"We're fine." Sagot ni Ate Bel na nag-leave na lang sa trabaho para may kasama kami in case may mangyari na naman.

Pumasok si Dave sa loob at umupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga.

"I just can't sleep." Puno nang pag-aalalang sabi niya.

Hindi ko siya masisisi kung nag-aalala siyang talaga. Kayang kayang pumasok ng killer kung gugustuhin niya. Kahit sabihing may apat na pulis na nagbabantay ay hindi pa rin kami nakasisigurong ligtas kami rito sa loob.

"Love, do you want to stay here?" Tanong ko sa kanya.

"My room is bigger." Sabi niya.

"Jane, you can sleep with Dave. I'll stay here." Sabi ni Ate Bel.

Tiningnan ko siya sabay mulagat ng aking mata.

Nginisian niya ako. "Just go. Hindi makakatulog yang si Dave kapag hindi niya nasigurong ligtas ka." Parang nang-aasar niyang sabi.

Nginisian ko rin siya sabay irap. Problema nitong si Ate Bel?

"Okay, I'll stay in your room." Sabi ko kay Dave.

Napangiti si Dave. Hinila niya ako patayo.

"Just keep it down and be quiet." Biro ni Ate Bel.

Natawa si Dave. Tinaasan ko ng nguso ang tatawa-tawang si Ate Bel sabay tapon ng unan sa kanya.

"Aww!" Sigaw niya nang malaglag sa kanyang mukha ang cellphone na kanina niya pa hawak.

Ako naman ang natawa. Buti nga sa kanya!

"You can also stay in my room; I can sleep on the couch." Yaya ni Dave.

"No, thanks!" Sagot ni Ate Bel habang hinihimas ang kanyang ilong na nabagsakan ng cellphone.

Naglakad na kami ni Dave palabas ng kwarto.

"Lock up!" Paalala ko kay Ate Bel.

Napanganga ako nang makita ang loob ng kwarto ni Dave. Halos triple ang laki nito sa kwarto namin ni Ate Bel, may sarili itong living room at mini theater.

"Wow!" Naibulalas ko sa sobrang pagkamangha.

Sunod kong nakita ang kama sa likod ng divider. King size ito at may mga mamahaling tables and furnitures sa gilid.

"Told 'ya, it's big." Nakangiting sabi niya sabay lock ng pinto.

"Ate Bel doesn't know what she is missing!" Biro ko.

Tumawa si Dave. "I should thank her; I can have you all night." Biro niya sabay yakap sa akin patalikod.

"We already talked about this, Love!" Ngingiti-ngiti kong saway sa kanya.

"Yeah, I know." Halata sa boses niya na tanggap na niyang walang mangyayari sa amin kahit magtabi pa kami sa kama.

Hinalikan niya ako sa leeg bago niya ako binitawan.

"Love, remember the pictures? You said you have some pictures of my family, right?" Tanong ko.

"Yeah, let me get my laptop. Meanwhile, you can hop on OUR BED." Sabi niya with emphasis sa mga salitang our bed.

Napangiti na lang ako at sinunod ang kanyang sinabi. Tumungo ako sa kama at nagpatihulog dito. Ang lambot-lambot at ang bango-bango!

Hinawi ni Dave ang comforter at umupo sa kama sabay abot ng laptop.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon