CHAPTER 76: FACE TO FACE

1.3K 105 38
                                    


Isinilid ko sa loob ng bulsa ng aking itim na hoodie ang sobreng naglalaman ng cheke. Sunod kong inilagay ang isang pocket knife na inabot ni Dave sa likurang bulsa ng aking pantalon. Itinali ko ang aking mahabang buhok; kulang na lang maglagay ako ng uling sa aking mukha para makita nilang lahat ng sasabak ako sa gera.

Ikinabit ni Dave sa loob ng aking tenga ang isang communication device.

"Be careful." Huli niyang bilin sabay yakap sa akin.

Sabay sabay kami kasama si Ate Bel at Mr. Liam na sumakay sa racing car ni Dave.

"Ready, Jane?" Tanong ni Mr. Liam sa akin.

"Ready!" Matapang kong sagot.

Ibinaba nila ako ilang metro ang layo sa isang lumang auto shop na nasa parehong syudad na kinaroroon ng lumang bahay namin.

"Just send us a signal; call for help if you feel threatened." Paalala ni Mr. Liam bago ako lumabas ng sasakyan.

Mahigpit na pinisil ni Dave ang kamay ko na parang ayaw niya akong paalisin. Nginitian ko siya para mabawasan ang kanyang pangamba; nangako akong babalik pagkatapos kong kausapin ang taong nasa loob ng auto shop.

Seryoso lang na nakatingin sa akin si Ate Bel habang paalis ako.

Naglakad ako patungo sa auto shop. Tumigil ako sa tapat ng nakabukas na gate at iginala ang aking paningin sa loob ng shop. Walang tao sa bungad.

Dahan-dahan akong naglakad sa isa pang pasukan. Tumambad sa akin ang mga hile-hilerang sasakyang nire-repair. Patuloy akong naglakad at lumibot hanggang sa lumabas mula sa loob ng isa pang silid ang isang lalaki.

Napatitig siya sa akin nang ilang segundo bago niya ipinagpatuloy ang paglalakad. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita kong muli ang kanyang brown na mata at mabalbas at mabigoteng mukha.

Hindi siya nagulat pero hindi niya rin maikukubli ang pagtataka kung bakit ako nasa kanyang harapan.

Umikot siya sa isang sasakyan at inilapag ang pyesang hawak niya sa tabi nito. Kinalikot niya ang mga parte sa loob nang nakabukas na hood. Hindi siya umiimik at hindi niya rin ako pinapansin.

"You really love cars." Ako ang unang nagsalita.

"Do you want to die? Why are you here?" Malalim ang boses na tanong niya.

Tinapunan niya ako ng tingin; mga tingin na katulad na katulad noong gabing pinagtangkaan niya ang buhay ko.

"Why did you do it? Why did you kill Mom and Kade?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Ibinaba niya ang hood ng sasakyang kanyang inaayos. Marahan siyang naglakad sa pagitan ng mga sasakyan. Naglakad din ako paikot para panatilihin ang distansiya naming dalawa.

Tumungo siya sa pasukan kung saan ako nanggaling kanina. Hinila niya paibaba ang roll up metal gate para sarahan ang labasan. Tuluyan niyang naibaba ang metal na gate at ikinando ito. Nakakakaba ang kanyang ikinikilos!

Muli siyang naglakad sa pagitan ng mga sasakyan.

"Why do you think I killed them?" Balik niyang tanong.

"I really cannot think of any reason why you killed everyone, DAD!" Sagot ko habang titig na titig sa kanyang mga mata.

Ang tunay na killer ay ang tatay ko mismo. Hindi siya namatay katulad ng nalalaman ng lahat. Ang taong nasa harapan ko ay hindi si Uncle Shann. Si Uncle Shann ay matagal ng patay, namatay siya sa garahe ng bahay namin. Siya ang katawang sunog at hindi ang tatay ko.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon