CHAPTER 73: NOT A PRINCE CHARMING

1.3K 114 43
                                    


Sino siya?

Tinanggal niya ang lubid sa aking leeg. Ikinawit niya ang magkabila niyang braso paikot sa aking kili-kili at hinatak ako palabas ng CR. Rinig ko ang paminsan-minsan niyang ungol sa tuwing hahatakin niya ako, mukhang nabibigatan siya sa akin.

Pakaladkad niya akong hinila palabas ng bahay. Sa back door kami dumaan.

Patuloy niya akong hinila hanggang sa mapadpad kami sa mapuno at mahalamang bahagi na ilang metro ang layo sa likod ng bahay.

Humihingal siyang tumigil sa tapat ng isang mayabong na puno at nagpahinga sandali. Muli niya akong hinila at pilit na pinagkasya sa pagitan ng malalaking ugat na nakaangat sa lupa.

Wala akong nagawa kundi ang titigan siya. Umalis siya saglit at pagbalik niya ay may dala siyang mga dahon-dahon. Ipinatong niya ito sa aking katawan para matakpan ako.

Napabuntong-hininga siyang umupo sa aking harapan.

Nakasuot siya ng hoodie na ang zipper ay hanggang bandang ilong. Tanging mga mata niya lang ang nakalabas. Unti-unti niyang ibinaba ang zipper at tinanggal ang kanyang hood.

Naaninag ko sa dilim ang brown-red niyang buhok. Napakaputi niya at napakaganda ng kanyang berdeng mga mata.

"Stay here. I'm sure you'll be safe." Bulong niya gamit ang maganda niyang boses.

Isa siyang babae! Kaya naman pala hirap na hirap siyang hatakin ako.

May kinuha siya sa bulsa ng kanyang hoodie.

"Wear this. Give it back the next time we see each other." Muli niyang bulong sabay suot ng isang bracelet sa aking kanang kamay.

"My name is Meridith and you owe me your life!" Mabait at nakangiti niyang sabi bago siya tuluyang tumayo at tumakbo palayo sa akin.

Walang ibang paraan para malaman ko pa kung saan siya nagpunta at kung ano ang nangyari kay Uncle Shann. Wala rin naman akong magagawa kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

Ang tanging alam ko lang ngayon ay ligtas ako, iniligtas ako ng isang babae, iniligtas ako ni Meridith. Utang ko sa kanya ang buhay ko!

--------------------------------

Ate Bel

Tinatahak namin ni Dave ang daang itinuturo ng batang multo. Bakit pamilyar ang daang ito?

"Don't tell me we're going to Jane's old house?" Nagtatakang tanong ni Dave.

"Yeah, if the killer would kill her, it would be inside that house." Kunwari kong sagot kahit ngayon ko lang din napansin na papunta pala kami sa bahay ni Jane.

Napakapit ako sa hawakan nang mag-overtake si Dave. Ang bilis ng takbo namin gamit ang kanyang racing car.

Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong bumaba dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.

"Sorry Bel, I know you're scared." Hingi niya ng paumanhin.

Napalunok ako. "Yeah, I'm really scared right now, but it's even scarier to think about Jane." Sagot ko.

Siya naman ang napalunok nang malalim.

"Just hold on tight." Paalala niya.

Napapikit ako nang mas bumilis pa ang aming takbo. Grabe, pakiramdam ko masusuka ako ng wala sa oras! Halos minuto niya lang tinakbo ang dating mahigit isang oras na biyahe!

Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba at tumungo sa gilid ng mga halaman. Bumabaligtad ang sikmura ko at hindi ko na napigilang masuka.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon