CHAPTER 1: The Love I Have For Her

2.4K 159 30
                                    

Thank you Ms. Maressa for the fan art cover! Love you po!

___________________________________________________


Reyden

"I'll get this one." Sabi ko sa sales lady sabay turo sa isang singsing na nasa loob ng istante.

Pinagmasdan ko ang singsing pagkaabot sa akin. Alam kong magugustuhan ito ni Nina dahil sa simple nitong disenyo at kulay pink na batong nasa ibabaw. Saktong-sakto ito sa kwintas na ibinigay ko sa kanya, parang magkapares na magkapares kung tutuusin.

Ibinigay ko ang singsing pabalik sa sales lady at agad niya itong inilagay sa isang mamahaling kahon at isinilid sa paper bag. Pagkatapos ko itong bayaran ay lumabas na ako ng jewelry shop at tumuloy sa hotel kung saan kami nakacheck-in ng mga kasamahan ko sa opisina.

It has been two weeks na nandito kami sa Singapore para sa isang possible joint construction project at talaga namang gustong gusto ko nang umuwi sa Pilipinas para makita si Nina. Napangiti ako habang inaalala ko ang napakaganda niyang mukha, ang kumikislap niyang mga mata at ang abot tenga niyang ngiti sa tuwing magkasama kami.

I promised her na babalik ako bago ang birthday niya.

Nagbihis ako kaagad pagkapasok na pagkapasok ko sa silid. May kumakatok sa pinto na agad kong pinagbuksan.

"Reyden, meeting over dinner. The deal was closed. We will be handling the project!" Excited na bungad ni Neil, isa ring engineer.

Natuwa ako. "That's really great!"

Tuloy tuloy siyang pumasok sa loob ng kwarto at sumalampak sa kama. "There's another good news; do you want to know?" Tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. "What?"

"We'll be staying for another week!" Balita niyang tuwang tuwa pa.

Natigilan ako. Napahawak ako sa aking batok. God! 1 week? that's exactly Nina's Birthday! Nayayamot akong napakamot sa aking ulo.

"What's good about that news?" Seryoso kong tanong.

"Oh come on, we'll be staying here for another week-- for free!" Sagot niya.

Hindi na ako nagsalita. Wala na akong magagawa kung masaya siya. But for me, this is really insane!

I have been planning these past years kung paano ako magpropropose kay Nina so our relationship can be official. I even told her to wait for 4 years. A lot of plans have been running in my mind tapos ganito lang ang mangyayari? Baka nga hindi pa ako makaabot sa mismong birthday niya. Damn it!

Paano ko ba sasabihin sa kanyang extended ang stay namin dito? Siguradong malulungkot siya at ayoko sanang mangyari iyon.

Tumawag ako kay Nina bago ako matulog. Sinagot niya ito kaagad. Bumungad sa akin ang malambing niyang boses. I miss her so much!

Pagkatapos naming magkamustahan ay nag-aalangan akong binanggit sa kanya na 1 week pa kaming mananatili rito sa Singapore. Hindi siya nakasagot agad. Nagsorry ako sa kanya, sinabi kong babawi ako pagbalik ko at susubukan ko pa ring humabol sa birthday niya.

Umokay lang siya. Alam kong pilit ang sigla sa kanyang boses para hindi ako mag-alala. Alam kong malungkot siya; pareho kami ng nadarama.

Sa kabila ng lahat ay nagpapasalamat talaga ako sa pang-unawa niya at sa parati niyang pag-intindi sa schedule ko. Pangako ko babawi ako sa kanya pagbalik na pagbalik ko sa Manila.

Lumipas ang mga araw. Uuwi na kami bukas.

"Reyden let's go have some fun, last night na natin dito!" Yaya ni Neil.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon