CHAPTER 69: CRASHED

1.3K 99 37
                                    


"What are we going to do?" Nag-aalala kong tanong kay Dave.

"I know a place where I can crash the car." Sagot niya.

"Crash the car?" Gulat kong tanong.

"Yeah, that's the only way we can stop. Don't worry I've tried this before." Sagot niya.

"Dave, I just want you to know that I love you!" Sabi ko in case na huling araw na namin ngayon sa mundo.

Natawa si Dave. "Trust me, we're not going to die." Sagot niya.

Huminga ako nang malalim at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Ate Bel na pawis na pawis pa rin at putlang-putla.

Ramdam ko ang bilis ng takbo ng sasakyan na umaabot na sa 120km/hr. Ni minsan sa buong buhay ko ay hindi pa ako umabot sa ganito kabilis na takbo.

Patuloy na iniwas ni Dave ang sasakyan sa pwede nitong mabangga. Kumaliwa siya at tinahak ang ibang daan para umiwas sa highway.

Tumalbog ang sasakyan nang may madaanan kaming humps. Ang sakit sa katawan sa tuwing may sudden change of direction at may mga baku-bakong daan.

Sinulyapan ko si Ate Bel na tuluyan nang nawalan ng malay. Pinunasan ko ang pawis niyang mukha at inayos ang kanyang pagkakaupo. Inalalayan ko ang kanyang ulo para hindi siya mauntog.

Bumusina si Dave nang mag-overtake siya sa isang sasakyan. Sumaktong nasa curve kami at may kasalubong na isa pa.

"Dave!" Tili ko nang muntik na kaming mabangga. Pakiramdam ko lumundag ang puso ko sa sobrang takot at kaba.

Mabilis na iniwas ni Dave ang sasakyan na dahilan para mas lalo pang bumilis ang aming takbo.

"Love, you're not helping!" Sita niya.

Mas nagugulat pa siguro siya sa tili ko kaysa sa pagmamaneho.

"We're almost there. Brace yourselves!" Mariin niyang utos.

Binuksan niya ang mga bintana. Nakita ko ang medyo paakyat na kalsada sa bandang kanan.

Tinahak namin ang daang iyon.

"Jane, Bel, hold on!" Utos niyang muli.

Nasa tuktok na kami nang bigla niyang iniliko ang sasakyan hanggang sa halos umikot ito. Napatili na naman ako ng todo-todo. Pakiramdam ko ay titilapon ako palabas kung hindi lang dahil sa nakakabit na seatbelt.

Itinaas niya ang handbreak. Rinig na rinig ang nakakarinding friction ng gulong at ng kalsada.

Tumagilid ang sasakyan dahil sa mabilis na pag-iba ng direksyon. Tumama ang nguso nito sa makapal na pader na nagpagana sa airbag sa harapan bago ito tuluyang bumaligtad patagilid.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawang alalayan si Ate Bel at ang aking sarili. Ramdam ko ang pagtalbog ko at ang pagtama ng aking katawan sa matitigas na parte ng sasakyan; para akong nalamog nang wala sa oras.

Nanghihina akong umungol. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata na walang nakita kundi kadiliman.

Ilang sandali ang lumipas at nakarinig ako nang paggalaw mula sa harapan. Hinawi ni Dave ang airbag at mabilis na binuksan ang flashlight ng kanyang cellphone para magka-ilaw sa loob ng sasakyan.

"Jane, Bel?" Sambit niya sabay lingon sa amin.

"I'm okay." Hilo kong usal. Bukod sa hilo at bugbog ay wala naman na akong ibang nararamdamang malala.

Tinanggal niya ang kanyang seatbelt at nagsimulang umakyat palabas sa bukas na bintana sa kanang bahagi ng sasakyan.

Nang tuluyan siyang makalabas ay sinabihan niya akong alalayan si Ate Bel para sunod siyang mailabas. Tinanggal ko ang aking seatbelt at marahang gumalaw.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon