CHAPTER 42: REVENGE- LET THE GAME BEGIN

1.5K 123 17
                                    


Napahawak ako sa aking pisngi na kumikirot dahil sa sampal ni Ate Bel. Muling bumalik ang kontrol ko sa katawan ni Mia. Agad akong tumayo at niyakap si Ate Bel.

"Sorry Ate Bel! Sorry!" Bulong ko sa kanya kahit alam kong hindi ko kasalanan.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim sabay pikit ng kanyang mga mata. Umupo siyang muli.

Nagtatakang napatitig si Kalbo sa aming dalawa. Simula ngayon Kalbo ang itatawag ko sa kanya.

Napahawak si Kalbo sa kanyang sintido nang muling mapatingin sa vase.

"SHIT, FUCK! Galing pang China ang vase na 'yan! Bakit 'yan nabasag!" Inis at kunsumido niyang sigaw na parang batang nagmamaktol.

Walang nakapagsalita sa mga bodyguard niya. Malay ba ng lahat kung bakit bigla na lang nabasag ang vase!

Pumikit si Kalbo na animoy sinusubukang magmeditate para hindi siya tuluyang magalit.

"Relax, relax." Kausap ni Kalbo ang sarili niya habang parang tangang iginagalaw ang kanyang mga kamay sa hangin.

Idinilat niya ang kanyang mga mata at muli na namang tumitig sa akin. Para siyang baliw.

"Makinig ka Mia, ibalik mo ang pera ko bago ako mawalan ng pasensya!" Sigaw niyang kunwaring nanginginig nginig pa.

Napabuntong hininga ako. "Hindi mo rin ba narinig ang sinabi ko?" Matapang kong tanong sa kanya.

"Gusto mong patayin ko si Valdez!" Galit niyang sigaw.

Hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ni Mia. Kailangan kong pangatawanan ang binitawan niyang salita.

"Hindi lang pera ang ibibigay ko sa'yo, pati ang kargamento." Sabi ko sa kanya.

Medyo kumalma siya at napaisip. Kumislap ang kanyang mga mata. Sumandal siya sabay tawa.

Napapakislap talaga ng pera ang mga mata ng isang ganid na tao.

"Paano ako makakasigurong nasa 'yo talaga ang kargamento at ang pera?" Seryoso niyang tanong.

Napangisi ako. Hindi ko dapat ipahalata na hindi ko talaga alam kung nasaan ang mga iyon.

"Ako mismo ang magdadala sa'yo sa lugar kung saan ko tinago ang mga iyon. Alam kong papatayin mo rin ako sa oras na makuha mo ang gusto mo. Ito lang ang masasabi ko, wala akong pakialam kung patayin mo ako pagkatapos nito. Isa lang ang gusto ko, makaganti kay Valdez." Sagot kong walang pag-aalinlangan.

Tinitigan niya ang mga mata kong walang takot na ipinapakita. Tumawa na naman siya. Baliw siyang talaga!

"Kailan mo siya gustong mamatay?" Nakakaloko niyang tanong.

Malademonyo akong ngumiti.

"Ako ang magsasabi kung kelan, saan, at kung paano mo siya papatayin. Paano kita tatawagan?" Balik kong tanong.

Ngumisi siya. "Dalawang linggo, Mia. Yun lang ang palugit na ibibigay ko sa'yo! Kapag hindi ka tumawag sa loob ng dalawang linggo, wala na tayong pag-uusapan. Makikita mo na lang ang kaibigan mo-" Sabay turo kay Ate Bel.

"At ang mga batang yan-" Sabay turo sa picture ng orphanage.

"Na nalulunod sa sarili nilang mga dugo!" Pagbabanta niya.

Nginisian ko lang siya. Hindi niya kailangang ipamukha sa akin na kaya niyang pumatay ng tao.

Hinagis niya sa aking harapan ang isang maliit na cellphone. "Pindutin mo lang ang call at sasagot ako. Huwag mong kalimutan, may matang nakatingin sa'yo!" Huling bilin niya.

I AM NINA: Saving LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon