CHAPTER 69: CRASHED

Start from the beginning
                                    

"Ate Bel! Ate Bel!" Tawag ko sa kanya sabay tapik sa kanyang pisngi.

Umungol siya. Minulat niya ang kanyang mga mata sabay hawak sa kanyang leeg.

"We need to get out of here." Sabi ko sabay unlock ng kanyang seatbelt.

Nanghihina ang mga tuhod niyang tumayo at umapak sa pwede niyang apakan para makaakyat. Itinulak ko siya pataas hanggang sa makaangat ang kalahating bahagi ng kanyang katawan. Agad siyang hinila at tinulungan ni Dave para tuluyang makalabas.

Sumunod akong umakyat. Iniangat ko ang aking sarili sa bintana. Mabuti na lang talaga at nagpapayat na kami ni Ate Bel dahil kung hindi, siguradong hindi kami magkakasya rito.

Hinatak ako ni Dave para tuluyang makalabas. Nang mailapag niya ako ay agad niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

"You okay, Love?" HInihingal niyang tanong.

Tumango ako.

Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako sa tabi ni Ate Bel na nakasandal sa pader kung saan din bumungga ang sasakyan.

"My body hurts all over." Bulong sa akin ni Ate Bel.

"Me too." Ganti kong bulong.

Hinawakan niya ang kamay ko at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

"I thought we're gonna die." Bulong niyang muli.

"We cannot die just like that, Ate Bel." Sabi ko.

Napangisi lang siya sabay pikit ng kanyang mga mata.

Tumingin ako kay Dave at nakita siyang may kausap sa cellphone. Pagkatapos nilang mag-usap ay lumapit siya sa amin at marahang umupo sa aking tabi.

Napangiwi siya ng maidiin niya ang kaliwa niyang kamay sa simento. Nakita ko ang malaking pasa na kanyang iniinda.

"You're hurt." Sambit ko.

Bahagya siyang ngumiti. "I'm fine, Love. Don't worry about me." Sagot niya sabay hagod ng buhok ko.

---------------------------------------

Dumating ang mga pulis na nagtanong kung ano ang nangyari at sila na rin ang tumawag ng service para mag-tow sa tumagilid na pick-up.

Nakauwi kami sa bahay ni Dave nang dumating ang kanyang kaibigan na nagsakay at naghatid sa amin.

Nauna kaming pumasok ni Ate Bel sa bahay. Sumunod si Dave pagkatapos niyang kausapin ang kanyang kaibigan.

Pasalampak na umupo sa malambot na sofa si Dave sabay sandal ng kanyang ulo sa sandalan. Agad akong lumapit at umupo sa kanyang tabi. Nakita kong muli ang sariwang pasa mula sa kanyang braso pababa ng kanyang siko.

"I'll get some ice." Sabi ko sabay tungo sa kitchen.

Inihanda ko ang cold pack at bumalik sa kinaroroonan ni Dave. Sinipat ko ang kanyang braso at itinaas ang sleeve ng kanyang t-shirt. Nakita kong hanggang sa balikat ay may pasa siya.

"Love, take off your shirt." Nag-aalala kong utos sa kanya.

Umayos siya nang pagkakaupo.

"Take it off for me." Paki-usap niya.

Hindi ako nagdalawang isip at itinaas ko ang kanyang t-shirt hanggang sa tuluyan ko itong matanggal sa kanyang katawan. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang napakagandang hubog ng kanyang katawan.

Napangiwi ako nang makitang umabot ang pasa sa kanyang kaliwang tagiliran. Mukhang nasalo ng kaliwang bahagi ng kanyang katawan ang impact nang tumagilid ang sasakyan kanina.

Sunod kong napansin ang pahabang pilat mula sa gitna ng kanyang matipunong dibdib hanggang sa itaas ng kanyang abdomen. Inilapit ko ang aking daliri at pahaplos na sinundan ang pahabang pilat.

"Where did you get this?" Curious kong tanong.

"I crashed during a race four years ago. A steel bar strucked my chest right beside my heart. I almost died." Nakapikit niyang sagot.

Napalunok ako sa aking narinig, hindi ako nakapagsalita.

"That was the time I fell in love with you. You stayed by my side, you took good care of me, assisted me until I got back on my feet." Patuloy niya.

Idinilat niya ang pagod niyang mga mata. Hinila niya ako at pinaupo sa kanyang kandungan. Hinapit niya ang aking katawan palapit sa hubad niyang dibdib.

Napasinghap ako nang maglapit ang aming mga mukha.

Ngumiti siya.

"I won't kiss you if you don't want me to." Pabulong niyang sambit.

Umiwas ako ng tingin. "I'm sorry, I just want my first to be special." Pagdadahilan ko.

Hinaplos niya ng aking pisngi at inayos ang aking buhok sa likod ng aking tenga.

"I'll make sure it will be special. Just promise me one thing, never ever leave me. Stay with me no matter what happens." Bulong niya.

Tumango ako. Ipinulupot ko ang aking kamay sa kanyang leeg at inihilig ang aking ulo sa kanyang balikat.

"I promise I won't. I already accepted your proposal. After this, we'll get married and have kids." Ganti kong bulong.

Mahigpit niya akong niyakap. Ramdam kong masaya siya sa kanyang narinig kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha.

----------------------------------------

Nagising kami ni Ate Bel kinabuksan na iniinda pa rin ang sakit ng aming katawan. Pagkatapos kong magshower ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Dave na may kausap sa telepono.

Tumuloy muna ako sa kitchen para maghanda ng almusal. Maya-maya ay narinig ko na ang papalapit na yabag ni Dave.

"Love, Jasper called." Tuliro niyang balita.

Jasper, ang kaibigan niyang naghatid sa amin kagabi.

"What did he say?" Tanong ko.

"The break tube of the car was intentionally cut. The person who wants to kill you was just around the corner when we visited your house." Sagot niya.

Natigil ako sa aking ginagawa.

"Dave, can we go back to my house?" Tanong ko.

"Why do you want to go back?" Balik niyang tanong.

"I just want to confirm something." Sagot ko.

Napaisip muna siya bago sumang-ayon.

May kakaiba talaga sa bahay na iyon. Kailangan kong bumalik doon para makatiyak.

"I already hired a private investigator. We're supposed to meet him this morning, but since we're going back-" Hindi na niya naituloy nang bigla akong magsalita.

"He can come with us." Suggestion ko.

Napaisip na naman si Dave sabay tango.

"Okay, that's a better idea." Sagot niya.

Pagkatapos ng breakfast ay agad na kaming nag-ayos para makipagkita sa Private Investigator na sinasabi ni Dave.

Hindi na sumama si Ate Bel dahil kailangan niyang magreport sa trabaho.

Pumasok kami ni Dave sa isang coffee shop kung saan nakaupong naghihintay ang isang may edad na lalaki na nakasuot nang mahabang itim na coat. Para siyang isang detective na napapanood sa mga pelikula. Agad tumayo ang lalaki at kinamayan si Dave. Bumaling siya sa akin.

"You're Jane Brookes, 24. Brother: Kade Brookes. Mother: Janette Magpili, Filipina. Father: Johnson Brookes from San Jose, California. All relatives died because of suicide." Sabi ng lalaki sabay lahad ng kanyang kamay sa aking harapan.

---------to be continued---------

I-comment niyo na kung sino ang pwedeng killer! hehe. May premyo ang makakahula. 😊😊 

I AM NINA: Saving LivesWhere stories live. Discover now