CHAPTER 74. CALL OF DEATH

Zacznij od początku
                                    

She doesn‘t know herself if she was even telling the truth. Because she knew, that someday, she still need to go, that she still need to leave. But this is not the right time to think about it...

Sabay na lumingon ang dalawa sa pintuan nang may marahas na nagbukas nito. Niluwa nito ang magkakaibigang hingal na hingal dahil sa pagtakbo.

Maging si Alexander na pasyente rin ay kasama nila, hindi alintana ang dextrose na nakakabit sa kaniya at hila-hila niya pang dumating dito.

“Khali...” tanging sambit ni Kevin.

Hindi pa naitutuloy ni Kevin ang sasabihin nang bigla nalang tumakbo si Kianna at niyakap si Khali at saka nagsimulang humagulgol.

“They want to trade the video... and they want Kianna to do it.” pagtutuloy ni Alexander.

Lalong nadagdagan ang inis ni Khali. “Give me the phone!” sabi nito saka hinablot nang iabot agad ni Kevin.

She called the unregistered number back causing everyone to be left in awe once again.

Hindi nagtagal ay sinagot ito ng kabilang linya.

“I‘ll go.” walang alinlangang sambit nito na naging dahilan para lalong magulat ang mga kasama niya.

Sa sobrang gulat ni Trevor ay mabilis siyang napabangon sa pagkakahiga.

How reckless!

“No. I want the girl with a long brown hair.” the guy demanded.

“I‘ll go, Khali! I‘ll go! It‘s my fault after all!” Kianna cried.

Khali gritted her teeth for seeing another cheerful person cry because of those coward shits.

Napahilamos nalang si Kevin sa mukha gamit ang palad dahil sa prustrasyon.

“Ako na...” mariing turan ni Khali.

“Lili.” Trevor hissed.

Of course, Trevor will never agree to that! Who would be in a right mind to let his love one enter a devil‘s den?!

“You‘re not in the position to demand.” mariin ding tugon ng lalaki mula sa kabilang linya.

“Then let me accompany her...” sagot ni Khali.

“That‘s final.” the man from the other line said with finality before he ended the call.

Halos ibalibag ni Khali ang cellphone sa galit. Kung hindi lang ito ang tanging nagko-konekta sa kanila ng taong ‘yon.

Lumabas siya sa kwarto ni Trevor at madidiin ang pagpindot nito sa sariling cellphone.

“SUMMON THE FIVE!” galit na sigaw niya nang sagutin ng kabilang linya ito at saka pinatay agad ang tawag.

Lumakad siya at tila hindi alintana na pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid.

Samantala...

Tahimik ang limang tao na nakapalibot sa pinuno nilang nakaupo sa malaki at malambot na upuan habang humahalakhak ito. Labis na natutuwa at halos hindi niya mapigilang tumawa.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz