"Napakaraming libro!" Hindi na niya napigilang sabihin.

"Oo. Tama ka diyan." Mayabang na sabi ni Shin Feng kay Kid. "At ipinaaral kong lahat ang mga iyan sa kanya."

Tumayo naman sila Kid at Master Val para kumuha ng isang libro upang tignan. Napigilan naman sila nang marinig ang malalim na boses ni Shin Feng.

"Anong ginagawa ninyo?!" Aniya.

Lumingon si Master Val sa pwesto ni Shin Feng at blangko ang kanyang itsura. "Ginagamot ang iyong anak." Aniya.

"Paano mapapagamot ng mga iyan ang anak ko!? At bakit ninyo binabasa ang mga iyan! Hindi ko iyan ipinapabasa aa ibang tao dahil ang mga may dugong Feng lang ang maaaring makaalam ng mga Martial Art Skills na iyan! At ang mga walang dugong Feng ang nakabasa at gumamit niyan, kamatayan agad ang hatol!" Mahabang lintaya niya.

"Pero kung hindi namin malalaman ang mga skills ng iyong anak, hindi namin siya magagamot!" Maang maangan ni Kid.

Wala nang nagawa si Master Val kundi huminga ng malalim at isara ang librong kanyang hawak.

"Osya, sasabihin ko na ang rason at ang gamot sa iyong anak." Aniya.

"Ang sagot sa tanong mo kanina, wala. Walang maling Martial Art Skill. Kulang  namartial arts, meron pero mali, wala. Ngunit may mga Martial art Skills na inaaral ng maling tao." Aniya. "Katulad nalang ng iyong anak."

"Paano iyan nasabi? Sa buong henerasyon naming mga Feng, walang nagkasakit ng ganito--"

"Maliban sa iyong anak, tama?" Sabi ni Kid.

"Oo. Maliban kay Kesha." Malungkot na sabi ni shin Feng.

"Dahil ang lahat ng mga ninunong tinuruan at nag aral ng mga Martial Art Skill na ito at mga kalalakihan, tama?" At tanging tango ang naisagot ni Shin Feng.

"Dahil iisa lang ang sagot dito, ang mga Martial Art Skill na inaral ng iyong anak ay nagtataglay ng mga elementong para lamang sa mga lalaki at nakaapekto ito sa katawan ng iyong anak." Aniya.

"Anong ibig sabihin non?"

"Ibig sabihin ay ang awra ng iyong anak ay imbes na maging awra ng isang malumanay at eleganteng babae, napapalitan ito ng brusko at matapang na awra ng isang lalaki." Sabi ni Kid.

"Unti unting napapalitan ang awra ng isang Cultivator base sa kanyang Skill na inaral o inaaral. At base sa aking nakita at nabasa, ang halos Martial Art Skills ng iyong anak ay nakabase sa pagpapalakas ng katawan ng isang tao. Tama?" Sabi ni Kid. "Halimbawa nalang nitong 1,000 Force Punch na kailangan ng malakas na pangangatawan upang maisagawa."

"Ang ibig sabihin nito, mali ang mga Cultivation ng iyong anak. Ang mga Cultivation na magandang aralin ng isang babae o dalaga ay katulad nito!" Sabay kuha ni Kid ng isang librong nakita niya kasama sa  mga binitbit ng mga gwardya.

Nang makita ito ni Shin Feng ay naghalo halo ang mga emosyon sa kanyang mukha. Nagulat siya na naiiyak dahil sa martial art skill na hawak ni Kid.

"Ang isang ito ay ang Pearl Hardening Technique. Isang Martial Art Skill na para sa mga kababaihan." Sabi ni Kid.

"P-paano mo nalaman iyan?" Sabi ni Shin Feng.

"Dahil nabasa ko na ang isang ito. Pero huwag kang mag alala, hindi ito para sa iaang lalaki kaya hindi ko kukunin ang Skill na iyan." Aniya. "Ang skill na ito ay maganda para sa isang babae. Bakit? Dahil hindi lang ito para mapalakas ang pangangatawan ni Kesha, habang lumalalim ang iyong kaalaman tungkol sa skill na ito, kumikinis at pumuputi ang balat ng isang cultivator na parang isang -- "

SpiritsWhere stories live. Discover now