"Paano ka nga nakapasok? Good mood ba 'yung guard ngayon? Kung alam lang namin edi sana sumama na pala kami sa'yo," sabi ni Vhenice. Napangiti naman ako. 

Siguradong maiinggit sila sa'kin pag nalaman nilang si Derrick ang dahilan kung bakit ako nakapasok agad dito. Lalo pa nilang iisipin na close ko na talaga ang fafa Derrick nila kaya mas malaki 'yung chance na magiging close din nila si Derrick at syempre, makakapagpalibre ako ng maraming carbonara pag nangyari 'yon. Talino ko talaga.

Pero naalala ko lang, hindi pa nga pala nila ako nalilibre nun kahit isang beses. Pero okay lang, kasama ko naman si Junjun kagabi. Binusog niya rin naman ako, eh.

"Sakto kasing lalabas si Derrick ng gate para kunin 'yung jersey niya kaya ayun, naabutan niya ako sa labas ng gate. Close niya kasi 'yung guard tsaka pwede daw silang lumabas anytime dahil may practice sila ngayon," paliwanag ko. 

Pagkasabi ko pa lang ng pangalan ni Derrick nagningning na agad ang mga mata nila, pero nahagip din ng mga mata ko si Margaret na matalim pa rin ang mga tingin sa'kin lalo na noong mabanggit ko 'yung name ni Derrick. Kanina pa ba siya nakikinig sa mga sinasabi ko? 

Alam ko na, pakiramdam nanaman nito inaagawan ko siya. Haller? Sino ba siya para angkinin lahat ng magustuhan niya sa paligid niya? 

"Sabi ko na nga ba dapat sumama na kami sa'yo, eh! Omg! Edi sana nakausap din namin si fafa Derrick!" kinikilig na sabi ni Vhenice habang nag-i-imagine. 

Kung anu-anong kaharutan pa ang naisip nilang dalawa ni Angelica noong maya-maya'y biglang napasok sa usapan namin si Jun at kung ano daw ba ang nangyari sa'min kagabi noong kasama ko siya. Agad ko namang tinakpan ang bunganga nila dahil alam kong nakatingin pa rin si Marga sa'min. 

Sheez!

Narinig ba niya? Sana naman  hindi. Alam ko namang hindi sasabihin ni Jun 'yung pagkikita namin kagabi dahil alam kong hindi pa sila okay ni, Margaret. Paano na lang kung narining nga niya? Baka lalo pa 'to dumagdag sa problema nila.

"H-Hindi naman kami nagkita kagabi. Saan niyo ba nalaman 'yan?" tumawa ako ng peke at gusto ko na mapamura ng paulit-ulit nung mukhang hindi nila na-gets 'yung sinabi ko.

"Anong hindi? Eh 'di ba nga na-cancel 'yung lakad na'tin--" tinakpan ko ulit 'yung bibig ni Angelica at pasimple siyang pinanlakihan ng mata.

Arghh! Bakit ba ayaw nilang makisama? Gusto ba talaga nilang mapahamak ako?

"H-Hindi nga!" 

Sandali pa silang napakunot at kundi ko pa pasimpleng nginuso si Margaret, baka hindi pa rin nila ako na-gets at baka patuloy pa nilang pinangalandakan sa buong room na kasama ko si Jun kagabi.

Buti na lang talaga at dumating na 'yung subject teacher namin kaya nahinto na 'yung pag'uusap na'ming tatlo at natigil na din ang pagtingin ng masama sa'kin ni, Margaret.

Noong boring na boring ako sa klase, naisipan kong kalikutin na lang 'yung bagong bili kong cellphone habang tinatago ito sa ilalim ng lamesa. Mga ilang buwan ko kaya 'tong iingatan hangga't bago? Gaano ko kaya 'to katagal titiisin na ihagis-hagis na lang sa kama pag naluma na?

Mga ilang katanungan pa siguro 'yung umikot sa isip ko bago matapos 'yung klase at mag recess na. Pati nga 'yung pangongopya sa seatmate ko pinroblema ko na in case na may surprise quiz dahil hindi naman ako nakinig. 

"Ugh, gutom na ako. Ang boring talaga ng Araling Panlipunan," reklamo ni Vhenice habang hinihimas-himas 'yung tiyan niya.

"Lagi ka naman talagang gutom, eh. Sino pa bang magtataka sa'yo?" pang-iinis sa kaniya ni, Stan. Nakita naman namin ang pagbabago ng ekspresyon ni, Vhenice.

"Sinasabi mo bang mataba ako?" naiinis na tanong niya rito.

"Ikaw nagsabi niyan." 

Hindi na kami nagulat noong nakita na lang namin silang maghabulan palabas ng room. Napa-yiee pa nga kami ni Angelica at natawa sa kanila. 

"Sana sila na lang ni Stan para wala na akong kaagaw kay, fafa Derrick," sabi niya at kinilig nanaman. Napailing na lang ako sa kaniya.

"Una ka na sa canteen, cr lang ako," tumango lang siya sa'kin.

"Sige, mukhang hindi na maiisipan ni Vhenice na mag-recess eh dahil sa pang-iinis ni Stan sa kaniya," huling sabi ni Angelica bago lumabas ng room papunta ng canteen.

Ako naman ay nagmamadali na lang na dumiretso sa cr. Gutom na rin kasi ako dahil hindi ko naman na-enjoy 'yung breakfast ko kanina dahil nagmamadali nga akong umalis ng mall para pumasok. Paglabas ko ng cubicle, hindi ko inaasahan na makita si Margaret na nakangisi sa'kin kasama 'yung dalawa niyang alipores. Lalo pang nanlaki ang mata ko noong makita kong hawak niya na 'yung bago kong cellphone. Iniwan ko 'yun sa bag ko, ah!

"M-Margaret a-ano nanaman ba 'to? W-Why are you holding my phone?" kinakabahan na tanong ko. Bakit ba hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari ngayon?

"May gusto lang akong ipag-paalam sa'yo. Akin na lang to, ha? Para naman maranasan mo 'yung pakiramdam ng inaagawan," sabi niya at tinapat pa ang cellphone ko sa mukha ko.

Is she serious? Sa tingin niya ibibigay ko 'to sa kaniya ng ganun-ganun lang? Pinaghirapan ko 'yon!

"N-No! What's mine is mine, Marga. Nagtipid ako sa allowance ko para diyan," akmang aagawin ko na sana 'yon sa kaniya pero malakas niya lang akong tinulak palayo kaya napaupo ako sa bowl.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa'kin 'yan! Swerte ka pa nga dahil nagpapaalam ako sa'yo, eh! Samantalang ikaw, lahat na lang inaagaw mo sa'kin ng hindi ko alam!" sigaw niya sa mukha ko at dinuro-duro pa ako.

"Wala akong inaagaw sa'yo," kalmado kong sabi at tumayo mula sa pagkakaupo ko.

"Liar! Ako pa ang lolokohin mo! Eh ano 'to?!" inabot ni Rio ang cellphone niya kay Margaret at pinakita ang screen sa akin.

Gosh? Bakit nandoon ang pictures namin ni Jun kagabi habang magkasama kami?!

"Ganiyan ka na ba kainggit sa'kin kaya pati 'yung mga mahal ko sa buhay inaagaw mo? Even Derrick! Ang kapal ng mukha mong makipag-kaibigan sa kaniya!" sigaw niya ulit sa'kin at hinila ang buhok ko.

"A-aray Marga s-stop!"

Kahit ilang beses ko pa siyang sabihan na tama na at nasasaktan ako, wala siyang pake-alam at patuloy lang sa pagsabunot sa'kin. Hindi ko na alam kung paano pa ba siya mapipigilan dahil kami lang ang tao dito ngayon. Even Ivy and Rio were just laughing at me. Nakita ko pang paulit-ulit nilang binato 'yung bago kong cellphone sa pader hanggang sa tuluyan na itong mabasag.

N-no...

Hindi nila alam kung gaano ako nagtiis ng gutom para mabili lang 'yun...

Hindi pa nakuntento si Margaret at nilapit niya ang ulo ko sa sink habang hila niya pa rin ang buhok ko. Gusto ko na gumanti sa kaniya pero masyado nang masakit ang anit ko at nahihilo na rin ako lalo na noong iuntog niya pa ako sa lababo.

Sh*t.

Napahiga na ako sa sahig.

Doon niya lang ako tinigilan. Look how evil she is! Balak niya ba akong patayin?!

Bago ako mawalan ng malay, hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko.

Is that William? Bakit siya nandito? Umiiyak na rin si Margaret dahil sa higpit ng hawak niya rito...

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now