EXTRA #2: She's back with a vengeance

142K 2.2K 67
                                    

EXTRA #2:

 

 

            “NASAAN si Giu?” tanong ni Bree ng dumating sila ni Yael na sila lang dalawa.

            “Na kay mama.” Sagot niya at saka inubos ang ice tea na nasa kanyang baso. Sa totoo lang wala siyang balak bumangon ngayon dahil sino baa ng matinong tao na hindi mapapagod sa ginawa nila ni Yael kagabi at kanina? Siya pagod na pagod samantalang ang lalaking katabi ay tila kasing lapad ng outerspace ang ngisi.

            “Bakit pagod na pagod ka yata? Nag-iiyak ba si Giu last night?” takang tanong ni Allyxa, tiningnan niya ang kaibigan na blooming na blooming pa rin kahit na buntis na ito. Hindi agad nagkaroon nga anak si Allyxa at Albie, recently lang nabuntis si Allyxa.

            “Kung alam mo lang.” sagot niya, hindi naman si Giu ang nag-iiyak kagabi. Well, hindi na rin siya magrereklamo nag-enjoy din naman siya. Kaya lang masyado yatang natigang si Yael at hindi na sila halos tumigil pa. Naramdaman niya ang paghapit ni Yael sa beywang niya at saka binulungan siya ng.

            “Pwede na ba tayong umuwi?” tiningnan niya ito ng masama alam kasi niya ang nasa isip nito.

            “Behave.” Malamig na tugon niya. Kailangan pa niyang matapos ang nobelang ipapasa niya sa susunod na araw, paano niya mapapasa iyon kung pag-upo pa lang niya ay may mga braso ng nakayakap sa kanya hindi pa naman siya nakakasulat kapag may nagbabasa sa sinusulat pa lamang niya.

            “How about a qui-.”

            “Kapag hindi ka nagbehave aalis talaga ako magpapakita lang ako sa araw ng kasal natin.” Banta niya.

            Sumimangot ito. “Sige na nga panalo ka na.” suko nito pero patuloy pa rin ang pagyakap nito sa kanya. Mas lalong nagdugtong ang kilay niya ng makilala ang taong papasok sa loob ng Royale with a bitch on his arms, ewan ba niya naiinis talaga siya kapag nakikita niya si Grayzon samantalang ito iyong lalaking tipo niyang maging hero sa mga novels niya. Bago lumapit si Gray sa kanila ay may binulong ito sa babae bago umalis ang babaeng sobrang lapad ng ngiti.

            Ever since nabasted ito kay Allyxa ay iba-ibang babae na ang nakikita niyang kasama nito lalo na kapag may party ang buong tropa. Hindi naman niya ito kinakausap because feeling niya nagtatraydor siya kay Yelena. At ang ginawa nitong pagpapabaya sa kaibigan kaya ito nasaktan bago umalis. She hates him to the core, kung hindi lang siguro ito kaibigan ng mahal niya nungkang maghaharap ang mga mukha nila.

            “Hey dude.” Bati ni Yael dito.

            “Hi din pwede mo ring sabihan ang asawa mong huwag akong patayin sa tingin it’s creepy.” Tiningnan siya ni Yael. Hindi kasi alam ni Yael ang nangyari kay Yelena, Yelena keep it as a secret that happens na naishare nito sa kanya. Ang babaeng iyon sobrang tapang tingnan pero alam niya Yelena is breaking inside and leaving for almost two years is a good decision.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Where stories live. Discover now