Prologue

184K 2.5K 114
                                    

If you love someone set them free, if you are meant for each other he or she will come back. That's what happened between him and me, we set each other free and we have each other now. Wakas.

Right after the last word ay nakahinga na ng maayos si Ayeth. She is still wearing her nun costume dahil ang bida niya sa nobelang ginagawa niya ay isang madre at isang politico na nagkita at nagmahalan. Gusto niyang maging effective writer kaya halos lahat ng bidang babae niya ay gusto niyang maranasan first hand ang trabaho nila. Kaya minsan sumasideline siya sa kung anu-ano at kung saan-saan kagaya nalang ngayon.

"Sister." Untag ng kasamahan 'daw' niyang madre sa loob ng simbahan. Mabilis niyang itinago ang cellphone niya kung saan niya tinatype ang last chapter ng kanyang nobela na ipapasa niay sa kanyang editor. Isa siyang romance novelist and yes, sumusulat siya ng mga love stories. Ironic nga eh, kung sino pa iyong walang experience sa love at first hand sila pa iyong maraming idea about it.

"Yes, sister?" ngumiti siya but she bit her own tongue to stopped herself from gagging. Wala talaga siyang pag-asang maging mabait. Sa ginawa niya ay nalaman niya na hindi pala siya karapat-dapat na maging madre. Hindi bagay sa kanya sabi nga ni Bree at ni Ray mas bagay daw sa kanya na maging baliw at magstay sa mental. Masubukan nga one time, it looks interesting. Nanonood pa naman siya ng Rhodora X, trip din niyang magkaroon ng dual personality tapos sampal-sampalin niya ang kanyang sarili.

On the other hand, huwag nalang baka masakit. Medyo nakakaramdam na nga siya ng sakit ng ulo... wait, hindi kaya sign iyon na malapit na talaga siyang takasan ng bait?

"Sister Nazareth?" untag uli ng madre sa kanya. Napakurap siya at alanganin na ngumiti sa pobreng babae na kaharap niya.

"Sorry sister may malalim lang akong iniisip." Nagkunwari siyang malungkot.

"Ano ba iyan sister? Baka pwede akong makatulong."

Humugot 'raw' siya ng malalim na buntong-hininga at sasabihin n asana ang kanyang spiel ng biglang may dumating. May biglang pumasok na isang may edad pero magandang babae at isang matangkad at gwapong lalaki.

Hindi niya napigilan ang sarili at napatitig dito, paano ba naman kasi it's not everyday may makikita kang gwapo sa loob ng simbahan. He is about six feet and an inch tall or maybe taller, he have those broad shoulders a male model would die for linya iyon ni Rayleigh kapag tinamaan ito ng kalandian. Taut hips? Yes, he hasnand probably beneath that Lauren polo shirt are pandesals na masarap ilublob sa kape.

At hindi lang iyon, kahit sa malayo ay kitang-kita niya ang magagandang features ng mukha nito. Alam mo iyong lalaking-lalaki ang dating pero hindi nakakatakot tingnan? His brows were thick and playful, his eyes are deep brown Pilipino talaga ang dating na may halong Spanish or something blood. Not the chinky one, ayaw niya ng chinito para kasing hindi masculine ang dating sa kanya, para bang pangboyfriend material ang chinito tapos iyong hindi chinito iyon iyong panghusband material. Sabi nga ni Rayleigh masyado daw siyang choosey hindi naman daw siya kagandahan.

Minsan ay naitatanong din niya sa sarili kung paano siya nagkaroon ng mga friends na mas baliw pa sa kanya. I-aadmire pa sana niya ito ng husto kung hindi lang nito kinindatan ang isang pobreng dalagita na nagdadasal lang sa isang tabi ng simbahan. Naturn-off siyang bigla akala pa naman niya iyong lalaking nagpupunta sa simbahan ay mababait, iyong iba pala ginagamit lang iyon upang makapangchicks.

"Mamaya na tayo mag-usap sister nandiyan na si Mrs. Imperial at ang panganay niya." So, mama pala ng malanding pogi ang kasama nitong babae. Maganda... ang mama ng lalaking iyan. At mukhang mabait. Hindi nalang niya pinansin ang mga ito habang siya ay naghanap ng place na pwedeng tulugan, nakita niya iyong hindi niya alam ang tawag pero isa maliit na parang cubicle kung saan nagkukumpisal ang mga tao kay father.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Where stories live. Discover now