Epilogue

135K 2.3K 114
                                    

"... LET'S have your happy ending, Miss Rapunzel." Napahawak siya sa tiyan dahil nangangailangan siya ng lakas ng mga oras na iyon at ang anak niya ang source of energy niya.

"M-Ma'am." Ang tanging nasabi niya. Standing in front of her is no other than the woman whom chased her away from the man of her life. Napatingin ito sa malaking tiyan niya and sadness registered from Joanna's beautiful pair of eyes.

"I am not here to hurt you Ayeth, I want to talk to you."

"Po?"

"Don't be scared hija let's talk first." Hinanap ng mga mata niya si Rayleigh, she is asking for a silent help dahil natatakot siyang makipag-usap sa nanay ni Yael. But Rayleigh is nowhere to found. The last time they talked hindi maganda ang nangyari ayaw niyang maulit ito.

"Ma'am, may nagawa na naman po ba akong masama?" nag-aalalang tanong niya. Mukhang napansin nang ginang ang pagkabahala niya.

"Don't stress yourself Ayeth makakasama sa apo ko ang mag-alala ka." Napalunok siya sa sinabi nito. Hope... iyon ang nasa puso niya. "I am sorry hija masyado lang akong nadala sa mga emosyon ko. Yael is my son, my one and only son and I love my son too much more than myself. Ayokong masaktan siya, kahit na si Yelena ay hindi ko pinapadapuan ng lamok. I love my children dahil galing sila sa akin and they are my treasures. I know your background, the moment I saw you with my son sa mall alam kong may nararamdaman na sa iyo ang anak ko kahit hindi niya sabihin. But I knew how complicated your life was and I don't want my son to be involved with it pero hindi ko hawak ang buhay nang anak ko dahil sinuway niya ang utos ko."

Kahit na gusto niyang umalis ay hindi niya ginawa. May respeto siya sa nanay nang lalaking mahal niya at ang magiging lola nang batang nasa kanyang sinapupunan.

"He conducted his own background investigation, ilang gabi din siyang hindi natulog dahil inaalam niya ang mga butas na pwede niyang gamitin upang mapakulong ang maglolong iyon. Hindi siya umuuwi sa bahay niya dahil nagbabantay siya sa labas ng apartment mo. Before the wedding pinigilan ko siya sinabihan ko siyang iwanan nalang sa mga pulis ang pagpapakulong sa kanila pero hindi siya pumayag dahil galit na galit siya sa ginawang pananakit sa iyo nang Francis na iyon. Isang araw kasi umuwi siya sa bahay na galit na galit, nagwawala siya dahil hindi ka niya magawang kunin kaagad. Nakita niyang sinasakal ka ni Francis Sevilla and the mutt even had the guts to rub to his face na ikakasal kayo. Umiyak ang anak ko, that's the first time I saw him cry over someone he didn't even cry when I punished him."

Humugot ito ng malalim na hininga. "When I slapped you in the hospital I finally snapped, dapat hindi ko iyon ginawa dahil magagalit sa akin si Yael. I saw how you loved him pero nagpigil ako hindi ko naman kasi alam na tototohanin mo ang pag-alis mo. Yes, nagising siya pero para na rin siyang patay ng umalis ka. Nawalan na siya ng ganang mabuhay lalo na ng sabihin ko sa kanyang hindi ka niya pwedeng makita."

Bumangon ang galit sa dibdib niya habang patuloy itong nagkukwento. "Akala ko mawawala din ang isip niya sa iyo but I was wrong. Every night he cried your name even during his sleep, he drinks. Pinapatay niya ang sarili niya and then I realized I was wrong, nagkamali ako. I underestimate his love for you." Tuluyan na siyang napahikbi sa sinabi nito lalo na ng makitang umiiyak na ang ginang sa harap niya.

Knowing that Yael is living a miserable life is like mincing her into pieces, she wants to see him. Kung bibigyan siya ng huling pagkakataon na makita ito at makausap gusto niyang sabihin dito na mahal na mahal niya ito. She wants to breathe again. She wants to smile again. And he is the only one who can make her do both.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Where stories live. Discover now