Chapter Four

119K 2.1K 93
                                    

Gusto niyang mapamura ng paglabas niya ng villa ay agad siyang nilukob ng sobrang lamig. Pero kailangan niyang lumabas upang hanapin si Ayeth kapag may masamang nangyari sa babaeng iyon patay siya sa mga kaibigan niya. Hindi niya alam kung bakit nalang niya iyon nasabi masyado lang siguro siyang nasanay sa presensya ng mga kaibigan at nakalimutan niyang stranger pa pala ang babaeng iyon.

He needs to tame his mouth sometimes. Kailangan niyang maging sensitive minsan, kahit ngayon lang.

"Nasaan na ba kasi ang babaeng iyon?" kanina pa siya naglakad-lakad sa labas ng villa and swear to hell, ang lamig talaga. Hindi pa naman siya sanay sa malamig because he is freaking hot. Basta kailangan niyang mahanap si Ayeth. "Damn her saan ba kasi iyon nagpunta?" then he remembered she is only wearing a thin tee-shirt and a pair of cotton shorts baka magkasakit pa iyon.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng villa at nagbihis ng makapal na damit. Kung kailangan niyang hanapin sa buong Sagada si Ayeth ay gagawin niya. Baka kasi tumawag uli si Bree mamaya mahirap ng mabuko sila.

Pagkalabas niya ay agad siyang nagpunta sa bahay ni Aling Laura baka kasi napadaan ito doon. Mabuti nalang at nasa labas na ng bahay ang matandang katiwala at nagwawalis.

"Manang Lucia nakita niyo po ba iyong kasama ko?" tanong niya dito.

"Ikaw pala sir Yael, iyong asawa niyo po ba?" hindi na niya tinama ang tawag nito kay Ayeth. "Nakita ko siyang dumaan iyong batang iyon dito kanina. Doon yata siya papunta mukhang nakabusangot ang mukha naku baka magkasakit pa ang batang iyon wala pa namang suot na jacket."

"Medyo nag-away po kasi kami kaninang umaga."

Tumawa ang matanda, "Normal lang iyan sa mga bagong kasal. Hala, habulin mo na ang asawa mo at baka magkasakit pa ang isang iyon."

"Salamat po."

Naaasar na talaga siya, first time niyang maghanap ng isang babae at sa hindi pa niya girlfriend. May girlfriend siya na naiwan sa Manila and he never did this kind of effort to her. "Where the hell is that woman?" inis na tanong niya, dalawang oras na siyang palakad-lakad at patanong-tanong. Nakakainis lang dahil panay ang turo ng mga ito sa iba't ibang direksyon tapos wala naman pala doon ang dalaga.

"Salamat ineng sa pagtulong mo sa amin." May narinig siyang ingay mula sa hindi kalayuan. Naka-upo siya sa isang malaking bato dahil napapagod na siya sa paglalakad at paghahanap, actually sumuko na siya. Gusto na niyang umuwi sa villa at magpahinga.

"Walang anuman po iyon dream ko talaga ang magwork sa isang strawberry farm." Napaigtad siya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon, ang boses ng babaeng hinahanap niya.

"Kung hindi lang talaga nagkasakit iyong bunso ko hindi kami mahihirapan ng ganito."

"Naku nanay sabi ko naman po sa inyo wala lang iyon at saka salamat na rin po dito sa mga strawberries, paborito ko po talaga ang mga ito."

"Halata nga eh kasi kahit hindi pa nahuhugasan ay pinapak mo na."

"Nakita niyo po iyon? Hindi na ako mahihiya pero fave ko po talaga ang mga ito. Gagawa ako ng strawberry cake pag-uwi ko mamaya sa titirahan ko."

"Dumaan ka sa bahay namin ineng, marami kaming strawberry jam doon magdala ka ng marami."

"Ay, hindi po ako tatanggi." Narinig niya ang excitement sa boses nito. Nawala tuloy ang inis at pagod niya sa paghahanap sa babae mula kanina. Akala niya ay sila lang ang matakaw at hindi aayaw sa pagkain may isa pa pala. Mukhang kapag sila ang magkasama mag-aaway lang sila sa mga kakainin nila.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Where stories live. Discover now