Chapter Six

112K 2K 76
                                    

"I'M back!" sigaw niya sa apartment niya ng makabalik na siya after sa two months niyang bakasyon sa Davao. Nag-unwind siya at naisulat na niya iyong series na dapat niyang isubmit hindi nga siya makapaniwalang naisulat niya iyon kaagad-agad. Siguro dahil sa ganda ng Davao at sa dami ng napuntahan niya.

"Ano ba ang gagawin ko ngayon?" wala pang alas dos ng madaling araw, masyado kasing maaga ang flight niya kaya ito gising na gising ang diwa niya. Hindi pa siya inaantok at napapagod kaya aalis muna siya bisitahin kaya niya si Bree?

Malaki na ang tiyan ng babaeng iyon gusto niyang malaman kung ano ang hitsura ng kaibigan niya baka mukha na itong butete. Si Ray kasi ang nakasama niya sa kanyang bakasyon dahil may work ito sa Davao bago ito nagflylaloo sa Austria.

Napagpasyahan niyang lumabas muna, masyado pa siyang high kaya naisipan niyang pumunta muna sa malapit na bar. She wants to have fun. Ginamit niya ang nakaparadang sasakyan na ilang buwan din niyang hindi nagamit. Nangangati ang kanyang mga talampakan na tapakan ang accelerator, she wants to have a fast drive papunta sa bar. Feeling niya ang high niya kahit hindi naman siya nakadrugs, ganito talaga yata kapag nakapagpower nap ka sobrang gaan ng feeling mga dude.

"Ay, si Drei iyon ah." Nasabi niya ng mapansin niya ang isang magandang babae sa tabi ng kalsada. May mga lalaki itong senesermunan ng mga oras na iyon, kaya huminto siya sa mismong tapat ng mga ito. "Hey, Drei wazzup?"

"Oh, Ayeth. Ang mga ito kasi nangangarera alam naman nilang delikado." Kaya pala nga teenagers ang pinapagalitan nito. "Magsiuwian na kayo kapag nakita ko ulit kayo dito swear hindi na kayo makakauwi sa inyo." Natuwa siya sa paraan ng panenermon ni Drei paano naman kasi sobrang ganda pa rin ng mukha nito kahit nag alit nag alit. Nakakasuya din ang babaeng ito ang sarap titigan kapag namumula sa inis. Shucks! Natotomboy na yata siya.

Nagsi-alisan ang mga teenagers pagkatapos humingi ng tawad. "Iiyak si Rizal sa mga pag-asa ng bayan." She joked.

"Hindi lang iiyak talagang ngangawa pa." marunong din pala itong makisakay sa jokes nia.

"Halika hatid na kita."

"SSalamat. Kanina pa nga ako naghahanap ng taxi kaso wala namang dumadaan." Pumasok na ito sa passengers seat. Amoy bulaklak. "Ang tagal mong nawala ah, saan ka galing?"

"Sa Davao ako nag-unwind at nagsulat ng mga nobela."

"Ang sipag pwede ka ng mag-asawa." Tudyo nito sa kanya.

Nginisihan lang niya ito, "Mauuna ka raw." She teased back, umingos lang ito halatang may naiisip. "Albie?" and Drei fliched as if she heard something nice.

Nagblush tuloy ito ang sarap pagtripan. Tumawa lang siya ng malakas at saka napatingin sa rear mirror ng kanyang kotse, kunot-noong napatingin siya sa labas ng kotse dahil may isang kotseng umaagapay sa kanila. The car is quiet expensive, a sports car it is.

"Hi, beautiful miss." Sigaw ng driver. "Wanna have fun?"

"What fun?" ganting tanong niya dahil high nga siya sa power nap niya. She even grin and gave the guy her sweetest and flirtiest smile. Hindi niya alam kung saan galing ang tapang niya and she swear this is not good.

"How about a race, beautiful misses?" Ginantihan siya nito ng flirty smile din, pero sa halip na maturn on ay parang nakulangan siya. Parang may hinahanap siyang iba pang flirty smile, para bang may hindi tama? Then she remembered Yael's beautiful smile.

"Sure." Sagot nalang niya dahil bigla siyang nainis sa kanyang sarili, she hates remembering that face from two months ago. Bakit ba siya nagkakaganito? The guy motioned her to go first... tsk... mayabang. Inis na tinapakan niya ang accelerator ng kotse.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant