Chapter Five

109K 2.1K 112
                                    

SPELL WAGAS? Iyon ang kasal ngayon ni Allyxel at Bree hindi ba halatang pinaghandaan at pinagastusan? Pati iyong mga bodyguards sa labas ay naka-arrange na, ang swerte ng bruhang kaibigan niya sa lalaking minahal nito. Maisulat nga, hindi na niya kailangan pang maexperience ang mga pinagdaanan ni Bree para maisulat ang love story ng mga ito, hindi naman kasi fiction ang gagawin niya kundi base sa true love story.

Inayos niya ang mahabang buhok niya habang hinihintay ang bride, maid of honor siya at si Rayleigh, they are wearing almost identical dress pero mas mahaba ang kay Rayleigh at mas maiksi ang sa kanya. May favoritism yata ang nagtahi ng dress nila.

"Bagay naman pala sa iyo ang dress ng pangmayaman." Isang maarteng boses ang narinig niya. Nakasuot ito ng simple ivory white sleeveless dress, nakapony tail at pearl earing ang suot. Kung hindi lang maganda ay nakatikim na talaga ito.

"Nasa genes." Sagot nalang niya, dahil sa natrain siya ng husto sa masangsang na ugali ni Yael kaya natutunan na rin niyang sakyan nalang ang trip ng medyo bruha nitong sisterette. And speaking of that malanding lalaki, nakita niya ito kagabi sa isang fine dining restaurant na may kasamang pangit na babae, mukhang girlfriend nito ang ungoy na iyon mas maganda naman siyang hindi hamak doon at kung makapaglipstick lang ng red hindi naman bagay. Umalis na nga siya agad ng makitang naghahalikan ang dalawa sa parking lot. Kadiri talaga, ewness overload. "Mukha na ba akong mayaman?"

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa and then Yelena's eyes stopped on the shoe she is wearing and gasps.

"Oh em, where did you get that shoe?" turo nito sa sapatos niya. "Isn't it Jimmy Choos' latest design?" napatitig siya sa suot na stripped shoes.

"This one, pinabili ko kay Rayleigh she happened to photograph Choos' latest design for a magazine cover." Paliwanag niya dito and the shoe is quite a fortune katumbas ito ng isang nobela niya.

"Darn! Kaya pala hindi ko na nabili dahil ikaw na ang nakaunang bumili you are not playing fair." Nailing siya ng biglang magpout ito. Si Yelena iyong tipo ng babaeng maarte at maldita pero kapag nakakausap mo na at nakilala ay matutuwa ka sa kanya.

"Am I not?"

"Hi sis!" bahagya siyang natigilan ng marinig ang boses ni Yael kasabay kasi ang malakas na pagsipa ng nerve cells niya sa katawan.

"Yeah? Stay away from my new found friend ayokong mahawaan mo siya ng virus mo. You are so pangit kuya." Napangiti siya sa naging reaksyon ni Yelena sa kapatid nito. Tiningnan niya si tweety bird at tinaasan ng kilay.

"Bakit?" masungit na salubong niya dito.

"Whoa! Bhe naman huwag mo naman akong sungitan."

"Yuck! Why Bhe? So baduy."

Baduy ba talaga ang Bhe? But she find it cute actually.

"Ano ba ang nangyayari sa mga babae sa simbahan hindi naman kayo ang ikakasal pero bakit ang iinit ng ulo niyo. Bitter ba kayo dahil hindi kayo ang ikakasal?" nagkibit-balikat siya at nagprepare ng counter-attack pero hindi na pala kailangan dahil si Yelena na ang gagawa niyon sa kanya.

"Anong bitter? Baka ikaw ang inggit as in duh, ikakasal ni si kuya Allyx and here you are still a happy go lucky pervert jerk." Tweety bird din. "At saka walang matinong babaeng papatol sa isang lalaking baliw like you hindi ba Nazareth?"

"AH-huh?"

"Hindi ba?"

"Ang alin?"

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon