Chapter Eleven

107K 2K 61
                                    

PINILIT niyang hindi magkaroon ng reaksyon sa kanyang mukha habang kaharap si Don Victor. Heto na nga ang kinatatakutan niya ang malaman ng mga ito ang tungkol kay Yael. "Yael Imperial." Sambit ng Don. "I know this child." Lumunok siya pero nanatiling stoic ang kanyang mukha.

"Kaibigan siya ng asawa ni Beatrice, they are practically a family." She said as if there's nothing interesting with the topic. Ayaw niyang makitaan ng isa pang alas ng mga ito. Mahirap na.

Ramdam niya ang titig ni Francis sa kanya. "Sana nga ay wala kayong ibang relasyon ng lalaking iyan Nazareth." Seryosong ani ni Francis. "Magiging asawa kita at ayoko sa lahat ay iyong may kaagaw." Ibinaba niya ang hawak na kubyertos dahil nawalan siya ng gana.

"Hindi mo kailangang ipaalala na ikakasal ako sa iyo dahil nawawalan ako ng gana." Inis na sambit niya. Biglang napatayo si Francis sa sinabi niya.

"What-."

"You can't harm me Francis." Aniya dito. "Hangga't hindi pa tayo kasal wala kang karapatang saktan ako. Maaari't malaki pa rin ang utang ng pamilya ko sa inyo pero kapag nawala ako wala rin kayong makukuha. Saktan mo ako at hindi ako mangingiming wakasan ang buhay ko." it was just a bluff. Hindi siya tanga upang magpakamatay. Naniniwala siyang habang may buhay ay may pag-asa at bilog ang mundo.

"Relax ka lang Francis, sisiguraduhin kong wala kang magiging kaagaw sa mapapangasawa mo." matalim ang tingin na ipinukol ng Don sa kanya. "Masyado ng malaki ang naging investment ko Nazareth."

Mapang-uyam na ngiti ang ibinigay niya dito. "Mababayaran ko rin ang lahat Don Victor."

"Sa susunod na buwan na ang kasal niyo wala kayong gagawin kundi ang hintayin ang araw na iyon."

"Kailangan ko ng umuwi."

"Ihahatid kita."

"Huwag na."

"Nasira ang kotse mo kaya ihahatid kita sa apartment mo." insist nito.

"You don't have to at huwag ka nang mag-abala pa dahil sisipot ako sa kasal. Pagkatapos ng kasal ay makukuha mo na ang Sancho Electronics." Asik niya dito, unfortunately naabutan siya nito sa labas ng gate. "Ano ba!?" tinabig niya ang kamay ni Francis nang maabutan siya nito.

"Don't treat me like a trash Ayeth dahil alam mo kung ano ang nararamdaman ko sa iyo mahal kita."

Pagak siyang tumawa. "Mahal? Lokohin mo ang lelang mong patay na Francis dahil hindi ako naniniwalang mahal mo ako. Walang taong nagmamahal na pinapahirapan ang mga mahal nila at hindi kita kayang mahalin, I will never love you." she stated as a matter of fact.

Kaya lang hindi ito apektado sa sinabi niya, "You are a writer Ayeth, ikakasal tayo at kagaya ng mga naisusulat mo sa mga nobela mo mahuhulog ka sa akin. Akala mo after the wedding ay basta nalang kitang hahayaan na umalis? No! Mahal kita at gagawin ko ang lahat kahit pilitin pa kita mahalin mo lang ako."

Umiling siya. "Hindi pagmamahal ang pagpipilit sa isang taong mahal mo para sa isang bagay na alam mong walang kabuluhan. The more you force me the more I'll hate you."

"At ang hate na iyan ang magiging love. You will love me." Hinapit nito ang pisngi niya at inangkin nito ang mga labi niya. Pilit niya itong tinulak pero malakas ang binata at naisip niyang bigla si Yael. Iba ang halik nito sa halik ni Yael, ibang-iba. Nandidiri siya. Galit na itinulak niya ito at malakas na sinampal.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon