Chapter Two

124K 2.2K 100
                                    

HINDI niya alam kung paano magpapanggap sa harap ni Bree ngayon, pero kailangan lang talaga for her bestfriend's sake. Nabanas pa siya kay Rayleigh ng sabihin niya dito ang naging plano ni Allyx. Tawa lang ito ng tawa at parang baliw she can imagine her rolling on the floor clutching her stomach dahil sa pagtawa.

Here she is katabi ang lalaking walang common sense.

"Are you really certain about this?" tanong ni Bree. Of course not! Ang dapat sana ay sagot niya pero alam niyang hindi pwede. Allyx looks at her pleading so she sigh at kumapit sa lalaking walang common sense, kanina pa sila ngiti ng ngiti sa isa't isa. Mabuti nalang at hindi ito nagreklamo mukhang na-tame ni Allyxel.

"Yes, very certain kami." Nakangising sagot niya pinilit niyang hind imaging parang robot sa harap ng kaibigan.

"Nazareth bhe, medyo pinanggigilan mo na ang kagwapuhan ko baka hindi tayo umabot sa simbahan ay wala na akong oxygen sa katawan." Nakangiting wika ni Yael sa kanya dahil kanina pa sobrang higpit ang yakap niya sa lalaki. At nanayo ang mga balahibo niya sa braso sa tinawag nito sa kanya, kung maka-bhe lang.

"Okay lang iyon bhe Yael, mawalan ka man ng oxygen sa katawan ikaw pa rin ang pakakasalan ko. Don't worry bibigyan kita ng carbon monoxide, carbon dioxide, nitrogen, hydrogen, helium at kung anu-ano pang gas." Nangigigil na wika niya, tinawag din niya ito ng Bhe akala naman nito ito lang ang marunong mang-inis. Pero infairness sa lalaking ito ang bango, amoy mamahaling perfume.

Napansin niyang namumutla na ang yinapos niya, naramdaman din niyang nahihirapan na itong huminga. "Bakla baka mapatay mo na iyang groom mo magiging biyuda ka na hindi pa man kayo kasal." Nang makontento na siya ay linuwagan na niya ang yakap kay Yael.

"Joke lang iyon Bhe ko naiinis kasi ako dito kasi ang landi-landi nawala lang ako kanina saglit ay may kaharutan na." she lied, tinahing kwento of course adlib ang peg nila dito. Hindi naman kasi sila binigyan ni Allyxel ng script sana hindi na mahirap sa kanilang mag-adlib pa.

"Wala ah!" defensive na sagot ni Yael. "Nagtatanong lang ng direksyon kaya tinulungan ko." At talagang sinakyan, best actor din naman ang isang ito.

Pinisil niya ang ilong nito. "Ang bait mo talaga huwag kang masyadong pakabait baka kunin ka ng maaga ni Lord ayokong mabiyuda agad." Yuck!

"Kailan ba ang kasal?" tanong ng kaibigan. Lumuwag na ng tuluyan ang yakap niya kay Yael at hinarap ang kaibigan.

"August eight, sa Manila Cathedral." Seryosong sagot niya. She knew how Ayeth loath those information batid niyang apektado pa rin ito dahil bigla itong namutla.

"Are you sure it's August eight? Pwede naman sa ibang araw hindi ba? At pwede naman sa ibang simbahan kasi mas malapit."

"Don't worry Bree we are just trying to make a point here. Hindi totoong may sumpa ang August eight kaya cool ka lang and since you are my friend ikaw at si Rayleigh ang magiging maid-of-honor ko." Yes, she wants to help Allyxel to make a point for Bree. She wants her friend to be happy.

"O-okay." Alanganing nasabi nalang nito. Sorry Bree this is for your own good.

Nagpaalam na rin ang dalawa kaya mabilis pa sa alas dos na naghiwalay sila ng upo ni Yael. Nakahinga siya ng maluwang.

"Gusto mong kumain?' yaya nito sa kanya.

"Yeah." Hinanap niya ang waiter mula sa crowd, medyo maraming tao sa Royale dahil linggo din ng araw na iyon. "Waiter!" tawag niya sa pamilyar na waiter na palaging nagseserve sa kanila. "Yam, pa-order kami." Magiliw na sabi niya sa babaeng lumapit sa kanila. "Mas lalo kang gumaganda ah, anong meron?" tukso niya dito.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Where stories live. Discover now