Chapter Nine

107K 2.1K 85
                                    

NAGSISIKIP ang dibdib niya habang nakatingalasa malaking bahay na naging mahalagang bahagi ng kanyang buhay. Maraming masasayang ala-ala siya sa bahay na iyon at kung pwede lang niyang ibalik ang nakaraan ay gagawin niya.

Ilang taon na noong huli siyang makabalik dito, parang kailan lang noong nakipagpustahan pa siya kay kamatayan para sa buhay na gusto niya at ngayon kailangan na niyang unti-unting bayaran ang pagkakautang niya. Ang kabayaran sa kalayan na tinatamasa niya ngayon.

"Tatayo ka lang ba diyan Nazareth?" hindi niya kailangang alamin kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan, maamoy lang niya ito ay bumabaligtad na ang kanyang sikmura.

"Francis."

"How are you sis?" kinilabutan siya sa tinawag nito sa kanya. She turns her heels and glared at him.

"Hindi kita kapatid alam mo iyan." Ngumisi lang ito sa kanya, she hates that smile. Alam kasi niyang walang maidudulot na maganda sa kanya ang ngising iyon.

"Of course hindi kita kapatid, hindi ka isang Sevilla isa kang Sancho." Tumawa ito kahit wala namang nakakatawa. "You are a Sancho now, but soon you will be a Sevilla." Lumapit ito sa kanya at marahang hinawakan ang pisngi niya. She flinched not liking the way he touches her. Nakakadiri. Tinabig niya ang kamay nito.

"Don't touch me."

"Still fiery aren't we?" Francis chuckled. He doesn't look bad, she even admired him before. Noong panahon na hindi pa niya nakikita kung gaano kaitim ang budhi nito. "Lolo is waiting inside."

Nahihilo siya at gusto na niyang umuwi sa bahay niya pero nandito na siya at hindi na siya pwedeng magback-out. Ang laki ng nakasalalay sa bawat desisyon na gagawin niya. Hindi niya pwedeng isa-alang-alang ang buhay ng marami sa kaligayahan niya.

Gusto niyang matawa, isa siyang writer at dapat siya ang gumagawa ng kwentong ganito sa mga akda niya. Sa sitwasyon niya ngayon, may ibang sumusulat ng kwento niya at sa kwento niya kasalukuyan siyang humaharap ng isang napakalaking pagsubok.

Wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa mansiyon. Tiim-labing inilibot niya ang mga mata sa magandang lugar kung saan siya lumaki. Naalala pa niya kung gaano kasaya ang buhay niya doon kasama ang mommy at daddy niya. It was Sancho's residence but now it's Sevilla's Mansion.

This is hers, this is her family's! Kung hindi lang niloko at pinagkaisahan ni Victor Sevilla ang mga magulang niya ay hindi maaaksidente ang daddy niya. Hindi maco-coma ito at hindi magkakautang ang mommy niya kay Don Victor. Sa laki ng naging utang nila kay Don Victor ay hindi nagawang kumapit ng ama at tuluyan na itong binawian ng buhay. Mahina ang puso ng ina kaya hindi nakakapagtakang agad itong sumunod sa kanyang ama at naiwan siyang mag-isa.

She was a princess and she was taught how to run Sancho Electronics Inc. Was. It was no longer hers or her family.

"You are finally back Nazareth!" Masayang bati ni Don Victor sa kanya pero hindi niya ibinalik ang pagbati nito. NUngka!

"Don Victor." She said plainly.

"Same Nazareth I used to know. How many times do I need to tell you to call me lolo dahil magiging apo din naman kita." Gusto niyang matawa sa sinabi nito, gustong-gusto nito na makasal siya at si Francis dahil sa pamana na naiwan sa kanya ng kanyang mga magulang.

Akala siguro ng mga ito ay hindi niya alam ang plano ng mga ito. Nasa last will and testament ng kanyang mga magulang na kailangan niyang magpakasal sa edad na beinte cinco o kaya naman ay bago siya mag-thirty or else mapupunta sa charity ang pamamahala ng kompanya. Kapag nangyari ang nasa last will ay mapupunta sa kanya ang pamamahala ng Sancho Electronics Inc.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Where stories live. Discover now