Four years ago, she ran away from her wedding. Bumalik siya sa London after a week. Pinatawad naman siya ng kanyang mga magulang sa kanyang ginawa. Sinabi din niya ang totoo dito na napipilitan lang si Yvo na pakasalan siya and he's not faithful except the detailed part kung paano siya nito niloko. Nagalit din ang kanyang mga magulang dahil sa ginawa ni Yvo kaya sinuportahan nito ang dahilan ng kanyang pag-atras sa kasal. Nagkaroon ng lamat ang pamilya Smith and Zamora dahil sa nangyari.

Pinutol din niya ang ugnayan sa mga Zamora. Since then, she never heard any of them. Hindi din nag-abala si Yvo na makipag-usap sa kanya or to clarify something. Tila pinaniniwalaan nito ang mga balitang sumama o nakipagtanan siya sa ibang lalaki sa araw mismo ng kanilang kasal. Kumalat ang ibang mga larawan nila ni Dylan together na binigyan ng ibang kahulugan ang simpleng yakap at ang mga larawang magkasama sila sa loob ng sasakyan.

The only good thing was blurred ang mukha ni Dylan. Sinadayang labuin ang mukha nito to cover him. Sino man ang naglabas ng larawan ay hindi niya alam kung ano ang intensyon nito. Nagreact si Dylan and he's willing to expose in public na siya ang nasa larawan and they are just friends at may girlfriend na siya which is Naneth. Pero kapwa sila ni Naneth hindi pumayag sa gusto nitong mangyari upang huwag na lumaki ang issue sa pagitan ng kanilang mga pamilya. Hindi naman sila apektado at para saan pa ang pagpapaliwanag? Umatras na siya sa kasal at hindi na mababago ang nangyari na napahiya niya ang Zamora family. Hinusgahan din naman ang buong pagkatao niya. Kaya masasabi niyang patas lang ang nangyari.

Someone is working behind their back just to destroy her image and Yvo. Also, wala na din siyang pakialam. Nagdeactivate siya sa kanyang mga social media accounts at gumawa siya ng bago. He remained outdated at lahat ng mga taong connected sa Zamora family ay hindi na niya kinaibigan o nagfollow sa kanyang new account. Even Naneth supported her at wala itong nilabas na isang statement tungkol sa mga nangyari at nag-ghosting din ang kaibigan niya sa pamilyang Zamora. She was so thankful at that time because her bestfriend is really her bestfriend who supported her through thick and thin. In her social media account, she's not using her real name. Gumawa lamang siya business account to start with her new venture. Nagchange din kasi siya ng contact number after what happened same with her family which is naiintindihan naman nito ang naging desisyon niya.

She missed him so much to the point na halos iniyakan niya ng ilang linggo pero kalaunan ay naging okay din siya after the biggest blessing she received in her whole life. It was difficult at first pero kalaunan ay natanggap din niya na hindi nga sila para sa isa't-isa ni Yvo.

***

She glanced in the mirror from head to toe. Marami ng nagbago. Her long, black hair was gone and change to big curls blond. Lampas balikat ang haba no'n at nagmumukha na siyang sopistikada. Still, hindi padin naman siya nagme-make up ng heavy. Just pink lipstick and face poweder ay okay na siya. Kung may mga event na dinadaluhan, yon lang talaga ay kailangan niyang mag-full make up.

"Hi Ella!"

It's Brandon, her neighbor who jogs every morning in the villa. He's friendly and a little bit humorous guy.

"Hi!" She responded with a smile.

Kumaway ito habang papalayo. Nasa Cannoga Park Villa sila nakatira. Pagkatapos ng isang taong nakikitira sa mga magulang sa Texas ay naka-invest din siya ng sariling bahay sa isang tahimik at exclusive Villa, which is may kamahalan din pero sa tulong ng kanyang mga magulang at umuusbong na Negosyo ay nakapag-invest siya. Pagkatapos ng nangyari noon, naisipang ng kanyang mga magulang na magtayo ng negosyo dito sa Texas kaya sila napadpad lahat dito.

***

"The presentation of the project will be next week. Maraming sponsors ang darating. Just this month, 70% sa donation ng Kid's Home Foundation ay ilalaan sa bagong project at ang 30% ay mapupunta sa mga nasalanta ng Tsunami sa Indonesia."

The Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon