EPILOGUE

1K 20 8
                                    

[Natalie's POV]

"Ok...1...2...3...Say Kimchi."sabi ni Kenneth sa amin ni Kia.

"Kimchi."sabay naman naming sabi ni Kia sa kanya at kasunod nun ang pagflash ng camera niya.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Kenneth para sa Christmas Eve. Mas pinili ko kasi dito magpasko  sa Pilipinas kasama si Kenneth kaysa pumunta sa Amerika para umuwi kay Mama. Parang mas masaya kasi magpasko dito kila Kenneth kaysa dun sa Amerika. Busy lang din naman kasi si Mama kahit nandun ako. Kaya heto kaming dalawa ni Kia at busy sa pagpose sa tabi ng christmas tree habang si Kenneth naman ang photographer namin.

"Tara. Dun naman kayo sa dinning table para makuhanan din yung mga pagkain."pagaaya sa amin ni Kenneth.

Mabilis namang tumakbo sa dinning area si Kia habang ako naman ay kinuha si Flappy na nakaupo sa may sofa.

"Tara Flappy. Sama ka din sa pictures."sabi ko kay Flappy sabay buhat sa kanya. Naramdaman ko namang umakbay sa akin si Kenneth at sabay kaming pumunta ng dinning area.

Pagpasok naman namin sa dinning area ay nakita ko si Tita na busy sa pagaayos ng mga pagkain sa table habang panay ang kulit naman ni Kia dito na gusto ng kumain at tikman yung mga pagkain na inihanda.

"Mine, hawakan mo muna si Flappy. Tutulungan ko lang si Tita."sabi ko kay Kenneth sabay bigay kay Flappy sa kanya. Kinuha naman niya sa akin si Flappy. Pagkakuha niya kay Flappy ay lumapit na ako kay Tita at Kia.

"Tita, tulungan ko na po kayo."nakangiting sabi ko sa Mommy nila Kenneth.

"Naku, sige nga. Baka maabutan na tayo ng alas dose hindi pa tayo tapos."sabi naman ni Tita sa akin. Sinimulan ko naman maglagay at magayos ng mga pinggan, baso at serving spoons sa lamesa. Biglang may flash ng camera sa amin, sabay sabay kaming napatingin dun sa pinagmulan ng camera at nakita namin si Kenneth na nakataas ang kanang kamay na may hawak na camera habang sa kaliwang kamay ay hawak si Flappy.

"Ang saya nyo kasing tignan."nakangiting sabi niya sa amin. Namula naman ako sa sinabi niya. Oo nga, para na kaming isang buong pamilya. Masaya ako kapag kasama ko ang pamilya ni Kenneth, dito ko lang kasi nararamdaman ang isang buong pamilya. Tapos pinaparamdam pa nila sa akin na welcome ako sa family nila. Ganon din naman si Kenneth kila Mama at Dad nung pinakilala ko siya bilang boyfriend ko. 

Do you remember we were sitting there by the water?

You put your arm around me for the first time

You made a rebel of a careless man's careful daughter

You are the best thing that's ever been mine

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kenneth ng may marinig kaming tumunog. Nakita ko na umiling siya. 

"Hindi sa akin yun Mine. Nasa bulsa ko phone ko. Nagmumula sa sala yung tunog."sabi niya sa akin. Magkamukha kasi kami ng ringtone sa phone namin. Mukhang sa phone ko nga may tumatawag. Dali dali naman ako nagpunta ng sala at kinuha sa ibabaw ng coffee table yung Iphone 6 ko. Tinignan ko yung screen ng Iphone 6 ko, video call pala galing kay Mama.

"Hello Ma."pagsagot ko dun sa video call niya sabay upo dun sa may sofa.

[Merry Christmas Baby. Tumawag na ako dahil alam kong mamayang alas dose ay magiging busy na ang mga network.]

"Merry Christmas din Ma."bati ko din sa kanya.

[Nagtatampo pa rin ako dahil hindi ka dito nagchristmas.]

Natawa naman ako sa sinabi niya. Alam kong ayaw niyang dito ako magchristmas dahil gusto na niya ako makasama. Gusto ko na din naman siya makasama kaya nga after ng christmas ay nagpabook kami ni Kenneth ng flight papuntang Amerika para bisitahin si Mama.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon