CHAPTER 6: THE NEXT TARGET

1.5K 25 0
                                    

10 Years Ago...

Umiling lang ang batang babae sa batang lalaki. "Ayaw mo pa umuwi? Sige, dito muna tayo."sabi ng batang lalaki ng biglang tila naman ng ulan.

"Buti naman tumila na ang ulan." sabi ng batang lalaki habang tinitiklop niya yung dala niyang dilaw na payong at umupo sa swing.

"Giniginaw si Flappy."biglang sabi ng batang babae habang nakatingin kay Flappy. Yumuko ito at kinuha si Flappy at kinandong sa may hita niya.

"Ibaba mo na lang siya, tingnan mo nadumihan na yung damit mo."puna ng batang lalaki sa batang babae habang tinitingnan yung damit nito.

"Ok lang. Tingnan mo nawala yung panginginig niya."nakangiting sagot ng batang babae sa batang lalaki.

Present...

 

[Benj's POV]

 

"Ok Boys...Tama na yan. Ok na yan para sa araw na ito."pasigaw na sabi ng coach namin.

Huminto ako sa pagdridribol ng bola pagkarinig ko sa coach namin. "Ok. Uwian na. Nice game mga dude." sabi ko sa mga kateam ko sabay pasa ng bola kay Harry.

"Nice catch Harry."sabi ko sabay gun sign sa kanya na parang binabaril ko siya.

"Ako pa."pagmamayabang sa akin ni Harry.

Kyaahhh...ang gwapo talaga ni Benj.

Ang Hot niya talaga lalo na pagkatapos ng practice.

Benj...sa akin ka na lang. Please???

Habang papasok kami sa locker room namin, dinig na dinig namin ang mga hiyawan ng mga fans kong babae na palagi kaming pinapanuod tuwing may practice kami para lang masilayan nila ang kagwapuhan ko. Bwahahaha...hindi ko naman sila masisi...well...Gwapo naman talaga ako.

Kaso yung puso ko taken na eh. Taken na ng isang babae na hindi man lang masuklian yung pagmamahal ko sa kanya. Tsss...ganon talaga eh. Wala na ako magagawa pa dun kundi tanggapin na may mapaglaro siyang puso.

Nakikipagrelasyon naman ako sa ibang girls, pero syempre sa simula pa lang sinabi sabi ko na sa kanila sino talaga gusto ko at hindi nila mapapalitan yun. Pero kung game pa rin sila, edi walang problema sa akin.

"Nasa Canteen daw sila Nat, text sa akin ni Sav."sabi ni Harry sa akin habang nakaupo siya sa bleacher at hawak hawak ang Iphone 5s niya.

"Dun ang punta natin. Tawagan mo na din si Louis na sumunod na lang dun."sabi ko sa kanya habang busy ako sa pagkuha ng mga gamit ko sa locker ko.

Hindi kasama sa basketball team si Louis, mas gusto pa kasi niya na matulog na lang sa may rooftop ng school kaysa maglaro ng basketball.

"Roger."sabi ni Harry, sabay saludo pa sa akin. At tinawagan na niya si Louis.

Pagkatapos nila magusap ni Louis, inaya ko na siya palabas ng gym at pumunta kami sa school canteen. Syempre para puntahan yung babaeng ilang araw ko na din hindi nakikita.

Pagpasok namin sa school canteen hindi naman kami nahirapan hanapin sila dahil sa pwesto iyon lang naman kami umuupo. Kumbaga alam ng mga estudyante na para lang sa amin yung pwesto na yun. Tinginan ang mga estudyante sa amin habang naglalakad kami papunta sa pwesto nila Natalie. Well...sanay na kami na pinagtitinginan. Ganon talaga pag sikat eh.

"Dude, Nauna ka pa sa amin ah? Sa pagkakatanda ko naman wala pang elevetor itong school natin para makababa ka ng ganong kabilis mula rooftop."sabay tapik ko kay Louis.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon