CHAPTER 61: TO MAKE THINGS RIGHT

789 17 0
                                    

[Natalie's POV]

Masaya ako dahil kahit papaano, nalaman ni Kenneth na gusto ko siyang bumalik sa akin. Gagawin ko lahat bumalik lang siya sa akin, kahit sabihin pa ng iba na napaka desparada ko na. Gusto ko lang naman bawiin yung makakapagpasaya sa akin eh, wala naman sigurong masama dun.

Naglalakad ako sa corridor ngayon ng mapansin ko na nakatayo sa labas ng classroom ko si Kulang kulang. Ano namang ginagawa niya dito? Sa pagkakaalam ko sa kabila ang Law building eh. Yeah right, abogasya ang kinuhang course nitong babaeng ito.

Nung makita niya ako, agad niya akong nilapitan. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Uhmm...Natalie." sabi niya.

"Yes?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag uusap na tayo eh." pagmamataray ko. Inirapan naman niya ako. Aba't palaban na itong Kulang kulang na ito ah. Iba talaga kapag napunta ng ibang bansa, nagbabago ugali. Tsk tsk.

"Okay, ano bang pag uusapan natin?" tanong ko.

Sasagot palang sana siya ng tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya ito sandali tsaka tumingin sa akin.

"Hindi ko masasabi ngayon dahil kailangan ko ng umalis. Magkita nalang tayong 4pm sa Sanrio Cafe." sabi niya tsaka umalis.

Ganon? Ano ako utusan at susunod sa sasabihin niya? Ayoko nga, hindi naman ako interesado sa sasabihin niya eh. Pero on the second thought, mukhang good idea kasi may sasabihin din ako sa kanya.

Pumasok na ako ng room at tumambad sa akin ang isang room na walang tao. Anyare? Nasan mga kaklase ko? Masyado ba akong maaga or masyado akong late? Tinignan ko yung schedule ko, tama naman. Pero bakit walang tao? Maya maya, nagvibrate yung cellphone ko.  Nagtext yung president namin na wala kaming prof kaya walang klase. Arghh, bakit ngayon lang ako tinext, di sana nasa condo pa ako ngayon at natutulog. Gumising ako ng maaga para sa wala. Amp! Mag iikot na lang ako sa campus.

Lumabas ako ng building namin at nag-ikot ikot. Napadpad ako sa area na tinatawag na lover's lane. Actually, ung lover's lane, isang mahabang mahabang pasilyo lang na may upuan sa gilid na puro lovers nga ang nauupo. Tsk, tirik na tirik ang araw dito naglalandian? Aalis na sana ako dahil naiinis ako sa nakikita ko ng mahagip ng mata ko yung dalawang tao na nakaupo sa dulo ng pasilyo.

Linapitan ko sila. Ang sweet lang ha? Nakapatong pa yung dalawang paa ni girl dun kay boy. Yung babae naman panay ang subo ng ice cream dun sa lalaki. 

"Hi. Mind if I join you?" nakangiti kong sabi sa kanila. Halata namang nagulat si boy.

"Can't you see? We're busy." malanding sabi nung babae tsaka sinubuan ulit si boy. Tuwang tuwa pa sila. Sa inis ko tinabig ko yung ice cream kaya nahulog sa sahig.

"Hey!" sigaw nung babae.

"Ayan, di na kayo busy." sabi ko sabay upo sa tabi ni boy.

"Natalie.." sabi ni Kenneth. Yah, si Kenneth yung boy.

"Yes Sweetie?" malambing kong sabi.

"Sweetie?" takang tanong nung babae.

"Aha, he's my boyfriend you slut." -ako

"What the! Akala ko wala kang girlfriend?" sigaw nung babae kay Kenneth.

"Hey don't shout. " pigil ni Kenneth dun sa babae.

"Ayan, di kasi nagtatanong. Alam mo bang maraming namamatay sa maling akala? Ingat ha, baka mamaya mamatay ka na." nakangisi kong sabi.

"Excuse me, sure  kang gf ka niya? Di kasi kayo bagay, di ka bagay sa taste niya." biglang bawi nung babae.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon