CHAPTER 30: SECRET REVEALED

1.1K 21 2
                                    

[Natalie’s POV]

“Good Morning Ladies.”bati sa amin ni Harry habang nakaupo sa lamesa at busy sa pagtimpla ng kape niya.

“Good Morning too Harry…”inaantok pa na sagot ko sa kanya sabay hila ng isang upuan.

Second day na namin ngayon dito sa rest house nila Savannah sa Batangas. So far naman, naeenjoy namin ang pagiistay namin dito. Kahapon naglaro kami ng beach volleyball at nagihaw ng barbecue. Nung gabi naman mga naginuman kami at kantahan habang naggigitara. Si Kenneth lang talaga hindi namin mapainom buti nga yung nerd niyang kaibigan uminom kaya ayun…ang agang bumagsak at natulog.

Tumingin ako sa mga pagkain na nakahain sa lamesa. Wow ah….ang tino yata nung pagkakaprito ng itlog, ham at hotdog…at may sinangag pa.Sa pagkakakilala ko kasi sa mga kasama kong ito…walang may marunong magluto…even me. Palibhasa kasi mga anak ng mga mayayaman eh…asa lang sa mga maid.

Tumayo ako at pumunta sa may kusina para alamin kung sino yung cook namin ngayong umaga.

Nakita ko si Kenneth na nasa harap ng stove at busy sa pagpiprito ng bacon. Pinagmasdan ko muna siya habang nagluluto…Aba may putensyal siya ah? Swerte siguro ng magiging asawa niya…hindi kasi magugutom dahil marunong siya magluto. Teka nga lang…bakit ba pagaasawa iniisip ko?

Bago pa kung ano ano maisip ko…tinawag ko na siya.

“Marunong ka pala magluto Mine.”nakangiting sabi ko sa kanya habang lumalapit sa kanya.

“Naku…gising ka na pala. Wait lang Mine ah? Tapusin ko na ito. Nagkape ka na ba?”sabi niya sa akin habang busy pa rin sa pagluluto.

“Hindi pa Mine.”sagot ko sa kanya ng biglang may sumulpot.

“Tenten naman eh...Matagal pa ba yan? Gutom na kasi ako.”pagrereklamo ni Chezter habang hinihimas pa yung tiyan niya.

“Batugan ka talaga. Tumulong ka kaya?”mataray na sabi ko sa kanya.

“Bakit? Ikaw ba tumutulong?”pangiinis din sa akin ni Chezter. Aba…yung weirdo ito ang aga aga pinapainit ulo ko.

“Oh…tama na yan. Tapos naman na ako eh. Mine, hintayin mo na lang kami dun sa labas. At ikaw Chezter dalin mo sa labas yung iba.”awat naman sa amin ni Kenneth kung hindi lalaganap na naman ang dahas dito.

Lumabas na ako ng kusina…pero bago ako tuluyan lumabas tumingin muna ako kay Chezter at dinilaan ito.Bwahahaha…akala niya.

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

“Mine, eto na yung kape mo.”sabi ni Kenneth sa akin habang binababa yung kape na tinimpla niya sa tabi ko.

Tiningnan ko yung kape na ginawa niya. May cream? Mas prefer ko kasi sa kape ay yung black lang and less sugar. Kaso iyon na yung tinimpla niya. Nakakahiya naman sa kanya kung hindi ko tatanggapin kanina pa nga niya ako pinaglalagay ng kung ano anong ulam sa pinggan ko eh.

“Wag mo na pilitin inumin yan. Alam ko mamaya lang isusuka mo yan.”narinig kong sabi ni Benj sa akin ng akmang iinumin ko na yung kape. May inabot na black coffee sa akin si Benj. “Ito naman talaga timpla mo di ba?”

Tumango lang ako at kinuha na yung kape na inabot ni Benj sa akin. Napatingin ako kay Kenneth, parang nalungkot na naman siya dahil sa nangyari.

“Mine, smile ka na diyan ok? Di ba napagusapan na natin ito? Matagal na kami magkaibigan ni Benj kaya kilala na niya ako. Tsaka we have a lot of time para makilala natin ang isa’t isa.”paliwanag ko sa kanya. Ewan ko ba sa sarili ko parang ayaw ko nakikitang malungkot siya.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Where stories live. Discover now