CHAPTER 42: MOMENT OF TRUTH

1K 15 0
                                    

[Natalie's POV]

Grrr...ang sakit ng ulo ko ah? Parang sobrang bigat nung ulo ko dahil sa hangover ng paglalasing ko kagabi. Nagyon lang din naman kasi ako uminom ng ganong kadami at magpakalasing. 

Naglalakad ako ngayon mag-isa papunta sa classroom ko. Late na nga ako pero ok lang kasi wala naman na ginagawa ngayon at hindi na din naman na nagkaklase dahil rehearsal na lang kami para sa graduation.

Papaliko na sana ako ng may marinig akong mga naguusap na babae. 

"Buti naman wala na sila Natalie at Kenneth noh?"narinig kong sabi nung isang babae.

"Oo nga eh. Kawawa naman si Kenneth kasi first girlfriend niya si Natalie pero sinaktan lang naman siya ni Natalie."sabi nung isang babae na nakilala ko naman agad. Siya yung May na nakita ko sa canteen na umiiyak dahil iniwan siya ni Kenneth.

"Kung ako na lang sana linigawan niya. Edi sana hindi siya ngayon nasasaktan."pagpapatuloy ni May. 

Ano? Teka lang...tama ba pagkakarinig ko sa kanya? Ako first girlfriend ni Kenneth? Akala ko ba naging sila ni Kenneth. Lumapit ako sa kanila at hinawakan si May sa braso niya at hinarap sa akin.

"Naging kayo ba ni Kenneth?"tanong ko sa kanya. Nakita ko na nagulat siya sa ginawa ko.

"Hin--di Natalie."natatakot na sagot niya sa akin.

"Kung ganon, bakit dati umiiyak ka at nagwawala dun sa may canteen dahil iniwan ka ni Kenneth?"malakas na pagkakasabi ko sa kanya at medyo humigpit na yung pagkakahawak ko sa braso niya.

"Ano kasi...totoo naman na umiiyak ako nun dahil binasted niya ako. Gusto ko kasi siya akala ko ganon din siya sa akin dahil kapag nagpapaturo ako sa kanya ng lesson tinuturuan naman niya ako kaya naman nagtapat ako sa kanya pero sinabi niya sa akin na hindi niya ako gusto at may iba nga siyang mahal. Syempre nasaktan ako nun eh."pagpapaliwanag niya sa akin.

"Kung makapaginarte ka nun akala mo iniwan ka ng boyfriend mo. At hindi mo ba alam kung ano ang ginawa mo ah?"sighal ko sa kanya. So tama pala...tama pala na hindi kaya ni Kenneth na manakit at manloko ng babae.

"B-akit? An-o ba nagawa ko ah?"nagtatakang sabi niya sa akin. 

At dahil sa inis ko hindi ko napigilan ang sarili ko at sinapak ko siya. Narinig ko na napatili yung mga kasama niyang babae dahil sa ginawa ko.

"Hindi mo alam? Pinaghiganti lang naman kita sa lalaking akala ko eh sinaktan ka at linoko yun pala wala naman pala ako dapat ipaghiganti sa kanya."

Linapitan ko ulit siya at hinawakan sa buhok niya ng sumingit sa amin si Claire at pigilan ako.

"Nat, tama na yan. Bitiwan mo na siya. Ako na bahala sa kanya."mahinahon na sabi sa akin ni Claire.

Pabagsak na binitiwan ko si May. Dapat lang sa kanya yun...dahil sa kanya kaya ako nasasaktan ng ganito. Siya ang dahilan kung bakit nagkalapit kami ni Kenneth at kung bakit mali ang pagkakakilala ko sa lalaking mahal ko.

Tumalikod na ako sa kanila at aalis na ng marinig kong tawagin ulit ako ni Claire.

"Siguraduhin mong magtatanda yan."sabi ko sa kanya na hindi siya linilingon. Bahala na siya kung ano gagawin niya sa babaeng yun. 

Dirediretso lang ako naglakad. Lahat ng estudyante sa corridor nakatingin sa akin na may takot. Siguro nagulat sila sa ginawa ko kanina.

At dahil sa nangyari, hindi na lang muna siguro ako papasok. Wala na rin naman ako sa mood pumasok. Parang lalong sumakit yung ulo ko sa nalaman ko. Gusto kong manapak ulit pero siguro dapat ang sapakin ko na lang ay yung sarili ko.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon