CHAPTER 29: BATANGAS ESCAPADE

1.2K 21 0
                                    

[Kenneth’s POV]

Nagkayayaan na magpunta sa Rest House nila Savannah sa Batangas para na rin daw marelax naman kami. 2 days kami doon tutal weekend naman na. 8 kaming magkakasama, members ng DRM, si Savannah, ako at si Chezter. Hindi namin kasama si Liwayway kasi busy siya sa preparation ng school festival.

Nasa biyahe kami ngayon at katabi ko si Natalie,bali ang pwesto namin ay si Savannah ang nasa tabi ng driver,ung upuan sa harap ang magkatabi si Claire at Benj,sa gitnang upuan naman ay sina Harry at Louis at sa pinaka dulo,kaming 3,si Chezter, ako at si Natalie. Sabi ko nga kay Chezter kila Louis tumabi eh,kaso sabi niya ayaw niya daw dahil ayaw  daw niyang mawalay sa akin. Psh, bakla ata tong bestfriend ko eh.

Habang nasa biyahe, tahimik lang kami. Mga pagod din siguro sila kasi late na natapos yung gig nila at ang aga pa naming umalis ngayon. Naramdaman ko ang pag gaan ng balikat ko at nakita ko si Natalie na nakatingin sa akin.

“Kumusta tulog mo?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ako masyadong nakatulog.” Sabi niya saka kinuha ung phone niya sa bag niya.

Bigla naman akong may nakitang lumilipad na sleeping mask na pabagsak kay Natalie. Sinalo ko ito at tumingin sa nagbato nito,si Benj.

“Ipagamit mo sa kanya ng makatulog siya ng maayos, hindi nakakatulog yan ng maayos kapag nasa biyahe.” Sabi niya at ibinalik na ang tingin sa harap.

Napatingin ako kay Natalie na nakaheadset. Bakit si Benj alam yun ako hindi? Nakakaselos talaga, marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya.

Iniabot ko sa kanya yung sleeping mask. Tinignan lang niya ito saka ngumiti.

“Hindi na, nawala na din naman antok ko eh.”

Tumango na lang ako at bumaling kay Chezter na ngayon ay kumakain ng chichirya. Tignan mo tong isang to, hindi man lang nang-aalok. Mabulunan sana,joke haha.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, nagsalita siya.

“Ayaw mo Tenten?” alok niya sa akin ng namumuwalan ang bibig.

“Makaka-oo ba ako kung ang tanong mo eh kung ayaw ko ba. Ayaw ko,ikaw na lang kumain niyan.” Sabi ko sa kanya. Bigla akong napatingin dun sa plastic sa tabi niya. Puro balat ng chichirya, meron pang balat ng itlog, meron pang kamote. Binaon ba lahat nito ang uri ng pagkain? Pati ba naman kamote? Napailing na lang ako, si Chezter talaga.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harapan at pipikit na sana ako ng biglang………..

“Bakit ang baho?!” pagsigaw ni Harry.

Nakita kong mga naglilingunan sila at hinahanap ang salarin. Suminghot singhot ako, grabe ang baho nga. Aba, matinding pagsabog ang nangyari.

Habang ang lahat ay busy sa pagtatanggal ng amoy sa loob ng van, natingin ako sa katabi kong pasipol sipol lang. Wala bang tong naamoy?

“Tibay ng ilong natin ah Chezter.” Tinapik ko siya sa balikat niya.

“Ha?” sabi niya at tumingin sa akin.

Nagulat naman ako ng biglang tumigil ang lahat sa ginagawa nila at tumingin kay Chezter. Napalakas ata pagkakasabi ko.

“B-bakit ganyan kayo makatingin sa a-akin?” nauutal na tanong ni Chezter.

Walang nagsasalita,titig na titig lang sila kay Chezter at naniningkit pa ang kanilang mga mata.

“Ikaw yun no?” sabi ni Natalie.

“Anong ako? Bakit ako agad ang sinisisi nyo?”

“Naku, umamin ka na. Huli ka na eh.” Sabi ni Harry sabay dampot sa balat ng kamote doon sa plastic na katabi ni Chezter.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Where stories live. Discover now