CHAPTER 7: FIRST MOVE

1.4K 26 2
                                    

10 Years Ago...

Nakangiting nakatitig ang batang lalaki sa batang bababe habang hinihimas himas ng babae ang malalambot na balahibo ni Flappy.

"Sa tingin ko, gusto ka ni Flappy." sabi ng batang lalaki kaya napatingin sa kanya ang batang babae.

"Ha? Pano mo naman nasabi?" takang tanong ng babae.

"Kasi kapag ayaw ni Flappy sa isang tao, hindi siya pumapayag na buhatin nito o kaya naman tinatahulan niya. Pero kapag gusto niya, pumapayag siyang buhatin siya and ung buntot nya,winawagayway niya."

"Ganun naman talaga mga aso di ba?"

Umiling ang batang lalaki.

"Hindi,iba si Flappy. May kaibahan siya sa ibang aso."

"Ano naman yun?" patuloy pa rin sa paghimas ang babae kay Flappy.

Ngumiti lang ang batang lalaki.

Present...

 

[Kenneth's POV]

"TENTEN!" sigaw ni Chezter habang tumatakbo papalapit sa akin. Umagang umaga kung makasigaw tong abnormal na to akala mo wala ng bukas.

"TENTEN!" sigaw ulit niya kaya huminto ako sa tapat ng gate ng school.

"Oh? Problema mo?" matamlay kong sagot sa kanya.

"Malaki. As in super laki!" binilog pa ang kamay niya sa ere.

"Ano naman yun?"

"Wag tayo dito. Baka may makarinig." Hinila niya ako papasok ng gate ng school at dumiretso sa garden ng school. Konti pa lang ang tao ngayon dahil maaga pa.

"Wag mong sasabihin kahit kanino ha?" Hingal niyang tanong.

"Oo,ano ba yun?" Ang tagal naman sabihin,baka mamaya kaabnormalan lang ito eh sayang ang oras ko. Baka hindi ko makita si Natalie sa pagpasok niya sa school gate.

"Hindi mo talaga sasabihin kahit kanino? Mamatay ka man?"

"Ano ba kasi yun ha? Isang tanong mo pa papatayin ko mga langgam mo!" inis kong sabi sa kanya. Kulit kasi eh.

"Hala,wag! Hindi pa nga sila nagkaka anak papatayin mo na. O sige eto na." lumapit siya sa akin at bumulong. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala. Maniniwala ba ako sa sinabi niya? Baka nanjojoke lang tong weirdong to.

"Totoo ba yan?" tanong ko.

"Oo,siya mismo may sabi sa akin. Nagpunta pa nga siya sa bahay nung sabado eh." paliwanag niya.

Gusto ninyo malaman yung binulong niya? Sabi niya umamin daw sa kanya si Liwayway nung sabado. Mukang hindi kapani paniwala noh? Akalain nyong may magkagusto sa abnormal na ito? Hahaha.

"Naku Tenten,sabi ko na eh,may pagnanasa sa akin yang si My Way eh. Kaya lagi akong inaaway,para hindi ko siya mahalata." tumatango tango pa siya.

"Baka naman mali ka lang ng rinig at intindi." Hindi ko makapaniwalang sagot.

"Hindi, ang linaw ng pagkakasabi niya. Ganto pa nga yun eh, 'Cheznut,kasi gusto kita.' Tapos medyo humina yung sunod niyang sinabi kaya akala ko nahihiya siya tapos nagsalita ulit siya. Sabi niya, 'Sana matanggap mo ako.' After nun,nakita kong namula siya." talagang ginaya pa niya yung boses ni Liwayway.

Eh baka nga gusto talaga siya ni Liwayway. Kilala ko naman si Liwayway,mabait at responsible siya kaya bagay sila ni Chezter.

"Eh umamin naman pala sayo eh,ano pang problema sinasabi mo?"

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon