CHAPTER 45: CHANGE

1K 17 0
                                    

[Natalie's POV]

Nagpasya na kami ni Benj na umuwi na ng Pilipinas, three days na din naman kami dito sa New York at hindi na kami pwede pa magtagal dito dahil malapit na ang graduation namin. Hindi na nga kami nakakapunta sa mga practice ng graduation dahil nga nandito kami. Pero alam ko naman na ipinagpaalam na kami ni Dad sa school.

"Ready ka na?"nagulat ako ng biglang nagsalita si Benj sa may likod ko. Nakapasok kasi siya sa room ko na hindi ko namalayan man lang.

"Hmmm...oo."tango ko sa kanya.

"Sure ka?"hindi naniniwalang sabi niya sa akin.

"Eh yun ba?"sabay turo niya sa may dibdib ko."Ready na?"

Nang maintindihan ko yung tinutukoy niya ngumiti na ako. I guess ok naman na yung puso ko, hindi tulad nung unang punta ko dito sa New York.

"Tara na. Baka malate pa tayo."sabi niya sa akin at kinuha na niya yung handbag ko. Habang yung kanang kamay niya ay daladala yung handbag ko yung kanang kamay naman niya ay hinawakan yung kamay ko.

Lumabas kami ng hotel na magkahawak ang kamay. Nakatingin lang ako sa kanya. Bahala na, basta ang alam ko ngayon si Benj lang makakatulong sa akin.

Halos puro tulog lang yung ginawa ko sa buong byahe namin papauwi ng Pilipinas. Ok lang naman kasi kasama ko naman si Benj at alam kong nasa tabi ko lang siya palagi. Tama nga siguro yung desisyon ko na bigyan ng chance si Benj.

"Ayun sila oh."turo sa amin ni Harry ng makita nila kami ni Benj. Nandito na kasi kami sa airport. Siguro sinabi ni Benj sa kanila na ngayon yung flight namin pauwi ng Pilipinas kaya nandito sila ngayon para salubungin kami.

"Nat, ok ka lang?"nagaalalang tanong ni Sav sa akin. Siguro nakwento na din ni Benj sa kanila ang mga nangyari sa New York.

Tumango at ngumiti lang ako sa kanya. Tumingin ako kay Claire na nandito din. Nakita ko siya na nakatingin sa kamay namin ni Benj na magkahawak. Nung magtama ang tingin namin nakita ko lang siya na ngumiti sa akin.

"Grabe ah? Kumpleto talaga kayo. Namiss ninyo ako noh?"nakangiting sabi ko sa kanila. Siguro nga malas ako sa pag-ibig pero swerte naman ako sa mga kaibigan ko dahil nakahanap ako ng tunay na mga kaibigan.

"Group hug."biglang malakas na sabi ni Sav at naglapitan sila sa amin ni Benj. Syempre...group hug nga. 

Ito siguro ang namiss ko nung nasa New York ako, yung mga kaibigan ko. Bakit ba hindi ko naisip na nandito pa rin sila para sa akin?

"Oh...tama na yan. Baka magkaiyakan pa tayo."natatawang sabi ko sa kanila at pagkatapos ay kumalas sa pagkakayakap sa kanila.

"Kasi naman...wag ka na basta basta aalis Nat."nakangiting sabi ni Harry sa akin.

"Tara na nga. May jetlag pa kami ni Nat."sabi ni Benj sa kanila sabay akbay sa akin at naglakad na kami palabas ng airport.

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

"Sure ka ba talaga Nat? Baka mapatay ako ni Britney kapag nalaman niya ito."sabi ni Mariah sa akin na tinitingnan ako sa may salamin.

Nandito kasi ako sa parlor niya ngayon at tinawagan ko siya na magpapagupit ako bago ako pumasok sa school para umattend ng graduation practice namin. Tutal wala naman kami ginagawa sa umaga kaya naisip ko na sa hapon na lang pumasok.

"Sige na Mariah. Sagot na kita kay Britney. Gusto ko lang ng new look."nagmamakaawang sabi ko sa kanya. Kanina kasi nung tumawag ako sa kanya at sinabing magpapagupit ako ang akala lang niya ay yung trim lang tulad ng dati pero nagulat siya ng sinabi ko ngayon na gusto ko gupitan niya ako hanggang sa umikli yung buhok ko hanggang batok.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon