CHAPTER 3: DO RE MI

1.9K 25 0
                                    

10 Years Ago...

Tumayo mula sa pagkakaupo ang batang lalaki.

"Gusto mo sumama ka na lang na hanapin si Flappy?" at inilahad nya ang kamay niya sa babae.

Tumango at iniabot naman ng babae ang kamay nya sa lalaki at saka ito ngumiti.

"Saan ba natin siya hahanapin?" tanong ng batang babae.

Napayuko at napakamot naman ng ulo ang batang lalaki.

"Hindi ko din alam eh,basta ang alam ko lang dito siya sa playground nagpunta."

"Tara,hanapin na natin siya. Baka hindi pa nakakalayo dito yun." sabi ng batang babae sa lalaki saka ngumiti. Nagulat na lamang ang batang lalaki ng hawakan ng batang babae ang kamay niya saka siya hinatak papalayo sa swing.

Present...

[Claire's POV]

"Alam mo naman pala na ako humatak sa buhok mo pero bakit pinahiya mo pa si Kenneth sa buong klase?" sabi ni Savannah kay Natalie.

"Wala lang trip ko lang." yamot na sagot ni Natalie sa tanong ni Savannah.

Nandito na kami sa tambayan namin sa school. Nakikinig lang ako sa paguusap ng dalawa.

"Trip mo lang?" sabi ni Savannah na medyo tumaas na ang boses.

"Oo. Alam ko naman na walang may lakas na loob na kantiin ako at hawakan kundi kayong dalawa lang ni Claire..."sabay baba ni Natalie sa kanina pa niyang hawak na salamin at tumingin sa aming dalawa ni Savannah,"...lalo na yung Nerd na yun noh."sabay crossed arm niya.

Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung bakit parang apektado si Savannah sa ginawang pagpapahiya ni Natalie kay Kenneth kanina, dahil hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na may pinahiya si Natalie sa buong klase. Dapat nga sanay na siya sa ugali ni Natalie dahil matagal na namin siyang naging kaibigan simula ng lumipat kami dito sa school nila.

Si Savannah lang ang nakapasok sa friendship namin ni Natalie nung lumipat kami dito sa school nila dahil kami lang naman ni Natalie ang laging magkasama dahil na rin parehas kami member ng Do Re Mi. Meron naman lumalapit sa amin para makipagkaibigan pero hindi din nagtatagal dahil na din kay Natalie. Minsan hindi makatagal sa ugali ni Natalie o kaya naman inaaway mismo ni Natalie.

"Sav, ano ba bago sa ginawa ni Nat kanina? Ganyan naman talaga yan kapag nabobored sa klase natin di ba? Gumagawa naman talaga siya ng eksena sa buong klase." mahinahon kong sabi kay Savannah.

"Eh kasi nakakaawa naman si Kenneth kanina. Nasisi ng wala sa oras." pabulong na sagot ni Sav.

"Wag na nga natin pag-usapan yung nerd na yun. Maiba tayo,nasan nga pala sila Benj? 5:15 na wala pa." tanong ni Nat sabay tingin sa relo nyang Rolex Yacht-Master II Steel and Everose Gold 116681 Diamond. Oha! Kabisado ko noh? haha.

"Miss me,babe?" sabi ni Benj na biglang sumulpot sa likod ni Nat at inakbayan ito. Nakita ko din sina Harry at Louis na kumaway na lang sa amin. Si Harry at Louis nga pala yung dalawa pang member ng DRM. Si Harry yung bassist tapos si Louis naman yung drummer namin. Si Benj yung lead guitarist.

Si Natalie ang vocalist namin at ako naman ay keyboardist. Si Savannah hindi siya member ng DRM dahil wala siyang alam sa instruments at nabuo din kasi yung banda namin nung nasa US pa lang kami. Kumabaga,number 1 fan namin si Savannah.

"Duh! Get off your hands of me!..." tinanggal ni Natalie yung kamay ni Benj,"Lumayo ka nga,puro ka pawis. Ang baho mo!" sabay tulak kay Benj.

"Tss. Kunwari ka pa. Nagustuhan mo naman." pag aasar ni Benj kay Natalie.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon