CHAPTER 66: WHERE IS SHE?

676 17 0
                                    

[Claire's POV ]

"Bakit mo siya pinabayaan?" bulyaw ni Benj kay Kenneth habang hawak hawak niya ito sa kuwelyo. Nandito kami ngayon sa studio ni Kenneth, tinawagan niya kami tungkol sa nangyari kaya napasugod kami dito.

Hindi nagsasalita si Kenneth at nakatingin lang sa sahig. Tinawagan niya kami at sinabing may kumuha kay Natalie. Nagreport na rin kami sa mga pulis. Sa ngayon, nagsisimula na silang maghanap. Hindi pa muna namin ito pinapaalam kay Tito dahil ayaw naming mag alala siya.. Susuntukin na dapat siya ni Benj pero pinigilan ko siya.

"Tama na Benj. Hindi ibabalik ng mga kidnappers si Natalie kahit bugbugin mo pa si Kenneth. Sa ngayon, kailangan na lang muna nating maghintay ng balita." mahinahon kong sabi sa kanya.

"Maghintay? Uupo at maghihintay lang tayo dito tapos si Natalie nandun sa mga walang hiyang iyon? Ni hindi natin alam kung anong nangyayari sa kanya?! Hindi ba kayo nag aalala sa kanya?!" sunod sunod na sabi ni Benj. 

"Siyempre nag aalala kami sa kanya! Hindi lang ikaw Benj ang gustong malaman ang kalagayan niya. Hindi lang ikaw ang kaibigan niyang gusto siyang iligtas sa kamay ng mga bastardong iyon." Hindi na ako nakapagpigil at nasigawan ko na din si Benj kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ano bang gusto niyang palabasin? Na hindi kami nag aalala sa kalagayan ni Nat? Siyempre nag aalala din kami, naiisip din namin kung ano ang mga posibleng mangyari.

Mukang natauhan naman na si Benj kaya naupo siya sa isang upuan at isinuklay ang mga daliri niya sa buhok niya.

"Ano ba talagang nangyari Kenneth?" tanong ni Sav. Tumingin kaming lahat sa kanya at naghintay ng sagot.

"Tinawagan ako ni Nat at sinabing pupunta siya dito para sabay kaming magdinner,pero pagdating niya, inabutan niya akong..........

.

.

.

.

.

may kahalikang ibang babae." mahinang sabi ni Kenneth.

Nagulat naman kami ng biglang sinuntok ni Benj si Kenneth. Napaupo si Kenneth sa sahig na putok ang labi.

"Gago ka Kenneth! Paano mo nagawa kay Natalie yun? Binigay niya lahat, nagmukang tanga na susunod sunod sayo, nagpaka manhid mapansin mo lang tapos ito ang igaganti mo? Ang lumandi sa harapan niya? Ang saktan na naman siya? Sinundan ka pa niya noon sa New York maibalik ka lang sa piling niya.  Pumayag akong maging panakip butas makalimutan ka lang niya. Nagparaya ako kasi alam kong kahit ako ang kasama niya, ang puso't isip naman niya na sa iyo. Tangina lang, ang sakit eh, pero tiniis ko para sa kanya. Pero ikaw, na sayo na, pinakawalan mo pa." galit na galit na sabi ni Benj tsaka padabog na umalis ng studio.

Sinenyasan ko sina Louis at Harry na sundan si Benj. Naiwan kaming tahimik. Inalalayan ni Chezter na makatayo si Kenneth.

"Totoo ba?" seryosong tanong ni Kenneth habang pinupunasan yung dugo sa labi niya. 

"Oo, totoo lahat ng sinabi ni Benj." -Sav

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" -Kenneth

"Dahil ayaw niyang ipasabi sayo lalo na at ang alam niya, kayo ni Liwayway nung mga panahon na iyon." paliwanag ko at tumingin saglit kay Liwayway.

"Hindi naman talaga naging kami ni Kenneth. Ginawa niya lang yun para pagselosin si Natalie." -Liwayway

"Akala namin totoo." -Sav

Bigla namang tumunog ung cellphone ko at  tinignan kung sino yung caller. Si tito, daddy ni Nat. Ikinalma ko muna ung sarili ko para hindi mahalata.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon