CHAPTER 5: MANGO THIRTEEN

1.5K 25 1
                                    

10 Years Ago...

"Dito ka lang din ba sa village na ito nakatira?" tanong ng batang lalaki sa batang babae.

"Oo,bagong lipat lang kami kahapon dun sa phase 7." sagot ng batang babae.

"Ah." yun na lang ang nasagot ng batang lalaki. Matagal ding namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Hindi ka pa ba uuwi?" basag ng lalaki sa katahimikan. Umiling lamang ang babae.

"Hindi naman nila ako hahanapin eh." Malungkot niyang sabi sa batang lalaki.

"Ha? Eh kung si flappy nga na isang tuta hinanap ko,ikaw pa kaya na isang tao at babae pa."

Napayuko na lamang ang batang babae. Bigla namang may naisip ang lalaki at hinawakan ang kamay ng batang babae. Nagulat ang batang babae at napatingin sa batang lalaki.

"Hatid na kita sa inyo." at nginitian ng batang lalaki ang babae.

Present...

[Kenneth's POV]

Sabado ngayon. Malamang walang pasok,haha. Nahahawa na ako kay Chezter. >.<

At dahil sabado nga ngayon, nandito ako sa family business namin,ang Mango Thirteen. Isa kasing pâtissier si Papa ko at si Mama naman nag-aral ng business management.  May kapatid din akong babae na super kulit,daldal at feeling close.

Minsan,nandito din sina Chezter at Liwayway,nakikitulong din sila. Madalas kasi,pag weekends,day off ng mga waiters namin. Itong main branch ang minamanage ni Mama. Ako naman ang toka sa cashier.

"Isang mango pie at mango shake." sabi ng customer sabay abot ng bayad.

"Here's your change ma'am." iniabot ko dun sa babae yung sukli niya pati yung beeping ufo.

[A/N: yun yung binibigay sa customer na device,kapag tumunog yun,ibig sabihin ready na yung order at pwede ng kuhanin sa counter.May pagka korean inspired po yung shop nila tenten kaya wag na po magtaka sa mga terms ng foods and drinks. :D]

Wala pang limang minuto at tumunog ang bell,hudyat na may pumasok na customer.

"Goodmorning ma-----" nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong pumasok. Si Natalie,kasama si Jordan. At naka akbay pa. Ang sarap putulin ng kamay. Lumapit sila sa counter at umorder.

"Anung gusto mo babe?" tanong ni Jordan kay Natalie.

Babe? Ako lang ang may karapatan tumawag nyan kay Natalie. Titig na titg lang ako kay Jordan. Kung nakakapatay lang ang tingin,bulagta na si Jordan kanina pa.

"River River Strawberry cream smoothies and jajangmyeon icing." sagot ni Natalie.

Nakatitig lang ako kay Natalie. Naalala ko tuloy yung kinuwento ni Liwayway kahapon sa akin.

"Isa nung sinabi nya,sa akin isang blue lemon aid at sweet honey bread."

Loko tong si Jordan,alam naman niyang may girlfriend na siya,niligawan pa si Natalie. Si Natalie tuloy ang nagmumukang masama sa mata ng mga tao. Alam ko namang hindi ganung tao si Natalie,tulad ng sinasabi ng iba. Siguro hindi lang niya alam na girlfriend ni Jordan si Bianca.

"Heto ang bayad."

Paano na lang kung sugurin ulit ni Bianca si Natalie? Kilala ko si Bianca,siya yung tipo ng babae na hindi sumusuko. Lalaban siya kahit patayan pa.

"Sabi ko eto yung bayad."

Ang ingay naman ng asungot na to.  Hindi ba niya alam na busy ako sa pag iisip ng mga maaaring mangyari kay Natalie kapag tinuloy pa nila itong relasyon nila.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Where stories live. Discover now