CHAPTER 34: ACCEPTANCE

1K 16 0
                                    

[Natalie’s POV]

“Mga Dude, tumataba na ba ako?”nahihiyang tanong ko kila Savannah habang kumakain kami sa mini Mango Thirteen dito sa school festival. Second day na ng School Festival kaya naman half day na lang ang open ng mga booth at yung half day naman ay may program ang school. Kaya naman dito kami naglunch sa booth nila Mine bago sila magsara. Maaga namin isinara yung sa amin para naman makapaglibot kami sa ibang mga booth lalo na at last day na ng School Festival.

“Mataba ka man o hindi para sa akin ikaw na ang pinakasexy sa lahat ng babae dito sa mundo.”OA na sabi ni Benj sa akin.

“Tsk, hindi ikaw kinakausap ko.”sabi ko sa kanya sabay batok.

“Napakarahas talaga nito.”nakangiting sabi niya sa akin habang hinihimas niya yung batok niya.

Inirapan ko lang siya at binalikan ko na lang ng pansin yung strawberry shortcake na order ko. Hindi talaga ako nagsasawa sa lasa niya at ang sarap talaga ng strawberry. Tapos special pa yung pagkakagawa ni Mine para sa akin. 

“Yung totoo Nat. Oo…tumataba ka nga.”sagot ni Savannah sa tanong ko kanina.

“Oo nga Nat. Kaya patay ka kay Britney kapag nagkita kayo.”pagpapaalal sa akin ni Claire sa manager ko na ayaw na ayaw na nadadagdagan ako ng timbang. Hmmmp, bahala nga yung bakla na yun. Nagjojogging pa rin naman ako every morning eh…kaso yun nga lang napapadalas ang pagkain ko ng mga sweets dahil kay Mine. Lagi kasi niya ako linilibre sa Mango Thirteen…tatanggi ba ako?Favorite ko eh. Hehehe…

“Leggo na. Magsesetup pa tayo ng stage. Tayo ang closing mamaya di ba?”paalala sa amin ni Benj at tumayo na.

Tumayo na din kami tutal tapos na din naman kami kumain. Pero bago ako lumabas ng room lumingon muna ako sa may counter. Nakita ko si Mine na nakasilip sa amin. Nginitian ko lang siya at sinenyasan na aalis na kami. Tumango lang siya at ngumiti sa akin.

Alam ko naman na magkikita ulit kami mamaya at manunuod siya ng presentation namin mamaya. Kami kasi ang pangclosing ng School Festival.

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

“Tsk…nahulog pa.”inis na sabi ko ng mahulog yung blouse ko sa sahig. Nandito kasi ako ngayon sa may dressing room sa backstage ng school namin para magpalit ng damit para sa presentation ng DRM mamaya. 

Yumuko ako at kinuha ko yung blouse ko na nahulog ng biglang….

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Natanggal yung hook ng bra ko. 0.0

Napakapa ako bigla sa may likod ko.Tanggal nga talaga at nasira pa dahil hindi ko na makabit ulit. Tsk…sabi ko na nga ba may masama akong feeling nung sinuot ko ito eh. Kasi ang sikip sikip na sa akin, siguro dahil nga tumaba na ako. Hindi ko pa kasi matanggap na tumaba ako, heto tuloy napala ko.

Shit…pano ako nito?Ano gagawin ko? Magpeperform ako ng walang ano?Grabe…hindi ko yata maisip na lalabas ako ng wala nun. -_-

Kinuha ko yung Iphone 6 ko at sinimulan ko tawagan si Claire para humingi ng tulong pero narinig ko na may tumunog na phone sa may bag ni Claire. Tsk…ang galing mo talaga Claire. Ngayon mo pa naisipan iwan yung phone mo sa bag mo dito sa dressing room. 

The Other Side of the Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon