The baby Maker - Chapter Thirteen

26.5K 430 11
                                    

C H A P T E R- #13

PAGKA-ALIS ni Nicole sa salon na yun ay agad din namang inasikaso nang baklang nag-asist kay Nicole si Cathy.

"Naku girl dapat di nyo pinapatulan si Donya Nicole, eh buntis yun tagilid kayo pagnagkasabunutan.." malanding wika nang bakla kay Cathy..

"Anong sinabi mo buntis si Nicole?" ulit muli ni Cathy..

"Oo girl. Mahirap makipagrambulan sa buntis, kapag nadisgrasya walang pyansa anu ka ba?.." muling wika ng bakla na kumukumpas pa ang daliri.. Nagkatinginan naman ang magkaibigang Sandy at Cathy sa tinuran nang bakla..

"Ang walang-hiya talagang itinuloy ang pagbubuntis, ang kapal nang apog nya, sige ituloy nya mas maganda yon, nang malakas ang ebedensya ko laban sa kanya, sa kanilang dalawa nang aking asawa.. Hintayin lang nila ang pagkilos ko.." galit na wika ni cathy, tumaas naman ang kilay nG bakla nang marinig ang sinabi nitu..

Matapos ang salon section ni Nicole, sa bahay naman agad sya tumuloy, lulan nang taxi na kanyang kinuha.. Plano nyang magmall sana kaya lang nawala na sya sa kundisyon gawa ni Cathy. Sa ibang araw nalang, para mailibot naman nya ang kanyang Inang at Tatang.. Pinagbuksan sya ni Rosa nang gate..

"Ma'am nandyan po si sir Archie sa loob hinihintay kayo.." bungad naman nitu..

"Oke sige, salamat."

"Ganda po nang kulay nang buhok nyo ah, mas lalo nyan maiinlove sainyo si sir.." pambobola naman ni Rosa sa amo..

"Naku alam ko na yan, malamng magpapaalam ka magday-off., style mo talaga.." nakangiti namang tugon ni Cathy..

"Basang-basa nyo ma'am ah.. Pero gando po talaga, pakulay din akong ganyan.." si Rosa..

Pagpasok ni Nicole, naabutan nya ang kanyang Tatang, Inang at si Archie na nagkukwentuhan sa malawak na sala.

"Bakit dika nagpasundo? Sana tinawagan mo nalang ako.." wika ni Archie nang makita ang dalaga..

"Pupunta sana ako nang mall kaya lang medyo tinamad na ako.. Kaya umuwi nalang ako.. Napadalaw ka..?" tanong ni Nicole..

"May nakuha na akong school na pwede kang mag home study tungkol sa bussnes.. At affordable ang payments alam kung kuripot ka kaya yun na ang kinuha ko.." nakatawang wika ni Archie..

"Talaga salamat.." tugon naman ni Nicole..

"Pero kailangan mong magparegistered mismong sa eskwelahan.. Tapos pupuntahan ka nalang nang prof. Dito.." paliwanag naman ni Archie. Tumango naman si Nicole tanda nang pagsang-ayon..

Habang nagpapalipas nang-oras nagtungo naman ang dalawa pinagawang mini resthouse sa gilid nang malaking bahay, pinagawa ni Archie iyon, di ganoon kalaki iyon, kapag gustong matulog ni Archie doon sya sa kanyang maliit na dampa tumatambay, sa tapat noon may mga maliliit na upuan at swing.. Nang makaupo na sila at nakapag-solo marahang lumapit si Archie kay Nicole. Kinakausap nitu ang nasa loob nang kanyang tyan.

"Hi baby.. Ako ang daddy mo kumsta ka dyan?" mahinang wika ni Archie..

"Okey naman sya. Alaga sya nang mommy eh.." tugon naman ni Nicole..

Ganitu na sila madalas maglambingan, ngunit walang naglalakas nang loob na magtanong kung anu na ang estado nang kanilang relasyon. Nicole feels something special para kay Archie, pero nanaig parin ang pagiging dalagang pilipina nya, kaya naman di sya nagsasalita, but if Archie ask about this things alam naman na ni Nicole ang kanyang isasagot sa lalaki..

"Anu pala ang itatayo mong negosyo?" tanong ni Archie dito..

"Gusto ko magkaroon nang frunchiese nang isang fast food chain.. Or magkaroon nang isang restauran.." sagot naman ni Nicole..

The baby Maker  [Completed]Where stories live. Discover now