The baby Maker - Chapter Twenty

44.2K 712 90
                                    

C H A P T E R- #20

[ FINALE ]

Nagulat si Nicole sa mga pangyayari, nakita nya nalang na nakayakap si Archie sakanya at duguan na ang katawan nitu. Napamura naman si Srgt. Dela Vega sa ginawa ni Cathy. Kaya mabilis nya inagaw ang baril at nilagyan eto nang posas. Ang isang pulis naman ay dinuhan si Nicole, tinulungan na maisakay ang lalaki sa sasakyan ni Nicole.

Natulala pa si Nicole, di sya makatayo agad nanginginig ang buo nyang katawan, inalalayan pa sya nang pulis para makatayo.

"Ma'am kung di nyo kaya magmaneho ihahatid ko na kayo baka maubusan nang dugo ang lalaking eto.." wika naman nang pulis.

Hindi kaya ni Nicole na magmaneho, kaya tumango sya sa pulis, matapos iyon sininyasan nitu si Dela Vega at inabot naman ni Nicole ang susi sa pulis para ipagmaneho sila.

Nang makita nya si Archie, nakapikit ang mga mata nitu, galit sya dito pero di naman nya nais na ganitu ang mangyari sa lalaki, kung si Cathy ganoon lang ang ginawa nya eto pa kaya na malaki ang tulong na ginawa sa kanya..

"Archie bakit ba kase ginawa mo yon?" marahang tanong ni Nicole. Ginagap naman ni Archie ang kamay ni Nicole.

"Galit ka pa rin sa akin?" tanong naman nito..

"Oo galit parin ako sa'yo nagawa mong paglihiman ako.." mahinang tugon ni Nicole..

"Okey sige I'm sorry, binigyan ko lang nang pagkakataon na magbago si Cathy, akala ko gagawin nya pero mas lalo syang lumala.." sabay ubo ni Archie na tila nahihirapan sa paghinga..

"Tama na, wag kana muna magsalita, makakasama sa'yo.." sagot naman ni Nicole.

"Mahal na mahal ko kayo ni Baby Nick Mommy, sorry sa nagawa ko.." wika pa ni Archie sa sinabi na yon ni Archie, nasampal pa ni Nicole ang dibdib nito..

Ang tagal nyang hinintay na sabihin sakanya yong salita na yon. Sa ginawa naman ni Nicole kay Archie nag-alala naman ang pulis.

"Ma'am hinay-hinay lang sa pagsampal o sa pagpalo sa katawan ni sir, baka matuluyan yan dyan sa loob.." wika pa nitu, na nag-aapura magmaneho at ngumiti pa sa eksena nang dalawa..

"Ikaw ba sigurado kang mahal mo ako, at hindi lang si Nick ha?" tanong pa ni Nicole..

"Natural. Alangan naman magpapakatanga at palagi kita sasamahan kung wala lang yon lahat, ako mahal mo ba ako?.." nakangiting sagot at tanong ni Archie.. Hindi sumagot si Nicole bagkus binigyan nya nang isang banayad na halik ang lalaki.. Iiling-iling naman ang pulis sa eksena nang dalawa.

Kahit na nasasaktan si Archie may ngiti parin sa kanyang mga labi, magkahawak ang kanilang kamay nang marating ang Ospital. Sa emergency roon sila tumuloy at agad naman sila nilapitan nang staff nurse doon. Pagkatapos noon ay nagpaalam naman ang pulis kay Nicole. Nagpasalamat naman si Nicole sa paghatid nang pulis sa kanila sa ospital.

Agad na pinasok si Archie sa Operating Room at nang makapasok eto ay tinawagan naman ni Nicole ang mga magulang nang huli upang ipaalam ang nangyari sa lalaki. Agad naman dumating si Mrs. Villaberde para daluhan ang anak..

"Iha anu bang nanyari? Sinong may kagagawan nitu?" pag-aalalang tanong nitu nang dumating.

"It's a long story tita pero nahuli na nang mga pulis ang may kagagawan nyan kay Archie.." tugon naman ni Nicole.. Kahit na may mga mantsa nang dugo si Nicole di nya iniwan muna si Archie hanggang di pa nya nalalaman ang lagay nito..

Makalipas ang halos tatlong oras, sa wakas lumabas din ang doctor na nasa loob nang O. R..

"Doc kumusta ang lagay nang anak ko?" agad na tanong ni Mrs. Villaberde.

The baby Maker  [Completed]Where stories live. Discover now