The baby Maker - Chapter Nine

25.7K 420 2
                                    

C H A P T E R- #09

Kinabukasan isang tawag ang natanggap ni Nicole galing kay Cathy. Noong una ay di nya sinagot iyon at hinayaan lang ang pagtawag ng dating amo nitu.

Nakaramdam naman ng mas matinding galit si Cathy ng di sagutin ni Nicole ang mga tawag nitu. Kay nagmensahe nalang muna eto kay Nicole.

"Nicole it's Cathy just want to say sorry sa ginawa ko last time, pwede ba kitang makausap ng personal, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali na ginawa ko sayo.. Please.." ang minsahe ni Cathy kay Nicole.

Nang mabasa ni Nicole ang minsahe nang kanyang dating amo, nakaramdam naman sya ng kahit paano na kasiyahan..

"Salamat naman at natauhan na si Ma'am Cathy, pero tatawagan nalang kita nextime maglilinis ako ng Mansion ko ngayon.." kausap ni Nicole ang sarili matapos na mabasa ang minsahe nitu..

Matapos nyang malinis ang taas ng kabahayan, nagtungo naman sya sa baba para magluto sa kusina. Nang mapansin nya na wala pa si Donya Lara, mukang dipa eto nagigising.. Kaya nagtungo muna sya sa silid ng matanda.

Tok! Tok! Tok!

Tatlong magkakasunod na katok sa pintuan ang kanyang binigay, ngunit walang sumasagot. Pinihit ni Nicole ang seradura ng pintuan ng matanda. Nakita nyang nakahiga pa eto at natutulog. Hinayaan nalang muna nya eto matapos ay nagtungo syang muli sa kusina para ipagpatuloy ang gagawing naiwan.

Halos tapos na sya ng kanyang gawain ngunit di pa rin nya nakikitang lumabas si Donya Lara.. Muli nya etong binalikan sa kanyang silid, sa pagkakataong eto ginising na nya si Donya Lara..

"Donya Lara, tanghali na po.." tawag ni Nicole sabay dahan-dahan na tapik sa katawan nitu.

"Nicole masama ang pakiramdam ko iha.. Mauna kanalang kumain" marahang tugon naman ng matanda..

"Gusto nyo ho ba dalhin ko kayo sa doctor?" tanong ni Nicole..

"Wag na iha, maya- maya lang magiging maayos na ako.." muling tugon ng matanda..

Agad na hinipo ni Nicole ang noo at katawan ng matanda kanyang sinalat kung may lagnat eto, ngunit wala naman..

"Nicole alam mo nakita ko si Rupeto, malungkot sya doon sinusundo na nya ako, gusto kong samahan na ang mahal ko doon kung saan man sya para maging masaya naman sya, ikaw na ang bahala dito kapag dumating sya at sinundo ako ha.." marahang wika ni Donya Lara, nakita ni Nicole na may butil ng luha na lumabas sa matanda.

"Wag po kayong nagsasalita ng ganyan, tinatakot nyo naman ako eh.. Tatawag ho ako ng taksi dadalhin ko kayo sa ospital.. Sandali lang ho.." sandali na umali si Nicole para tumawag ng taxi at madala sa ospital si Donya Lara.

Pagkatapos nyang tumawag ng taxi ginayak naman nya ang matanda at kaunting gamit nila mainam na ang handa..

"Haaayyy.. Si Donya Lara kinilabutan ako, nakausap nya si Don Ruperto.." himas himas ni Nicole ang braso habang nagliligpit nanayo ang mga balahibo nya ng banggitin ng matanda ang asawang yumao na nakausap daw nitu..

Ilang saglit pa dumating na ang taksi inalalayan nya si Donya Lara, lahat ng pintuan ay isinara nya sa malaking bahay, maging ang gate ay kanyang inilock. Sandali lang nila binyahe ang malapit na ospital. Inasikaso naman agad ni Nicole ang matanda, maging ang mga staff ay tinulungan sya..

"Ms. Anu ho bang problema ng Nanay nyo?" tanong ng isang staff Nurse.

"Nurse eh nanghihina, wala naman sya lagnat. " tugon naman ni Nicole.

The baby Maker  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon