The baby Maker - Chapter Nineteen

23.2K 362 9
                                    

C H A P T E R- #19

THE TRAPPED

MATAPOS ang tanghalian inaasahan na ni Nicole ang kanyang magiging bisita, kaya naman tinawagan nya ang guard sa main gate at pinaalam na may darating syang panauhin.

Nang tumawag ang gwardya sa main gate nang subdivision at pinarating sa kanya na dumating na ang hinihintay nyang bisita ay agad naman pinapasok ang mga eto. Nasa sa sala si Nicole at hinihintay ang pagpasok nang mga eto samantalang ang kasambahay na si Rosa naman ang nagbukas nang malaking gate para sa mga panauhin.

"Ms. Nicole Punzalan?" bungad nang naka uniformeng pulis.

"Yes and you are Srgt. Dela Vega?? Kinagagalak ko ho kayong makilala.." wika ni Nicole.

Matapos iyon ay pinaunlakan nyang maupo ang mga eto tatlo ang pulis na kanyang panauhin.

"Ma'am sinabi ho sa amin ni General ang problema magulang nyo pala yung namatay at nabalitang sumabog ang sinasakyan, dito din sa subdivision na eto.." bungad ni Srgt. Dela Vega..

"Oho srgt. At hanggang nagyon wala parin linaw ang lahat, ang pagkamatay nila, pero umaasa ako na malulutas eto sa pamamagitan nyo. At nang taong tumatawag sa'kin.." wika naman ni Nicole..

Matapos na sabihin ni Nicole ang usapan nila nang lalaking tumawatawg sakanya, ang lugar kung saan sila magtatagpo at maging kung anong oras, ang team naman ni srgt. Dela Vega ay agad naglatag nang plano kung paano mahuhuli ang lalaking tumatawag kay Nicole.

Nagpaalam ang mga pulis na pinaalalahanan naman si Nicole, gagawin nila ang pakikipagpalitan kinabukasan nang hapon, kaya naman si Nicole di na muna pumasok sa miseum, inasikaso nya ang perang kailangan nang lalaki at inihanda ang sarili, binigyan din sila nang dalawang pulis sa kanyang bahay para magmanman at magbantay kung sakali mang may tao paring mananakit sa mag-ina.

Samantalang si Archie naman ay nagagalit narin kay Nicole ni hindi nitu sinasagot ang kanyang tawag, hindi rin sya makapasok sa bahay nina Nicole dahil pinagbawalan sya, may mga pulis din na nakabantay, hindi tuloy nya alam kung anu na nangyayari sa mag-ina nya. Mali ang iniisip ni Nicole sakanya, marahil nasa isip nitu na kasabwat sya ni Cathy sa lahat.

Si Nicole nang gabing iyon di naman dalawin agad nang antok, nakita nyang panay ang tawag sakanya ni Archie, at wala syang planong sagutin iyon. Inihanda nya ang kanyang sarili sa magaganap kinabukasan. Di nya alam ang mangyayari sa susunod na araw, kaya ngayong gabi katabi nyang matutulog si baby Nick..

Matapos na maihanda ang perang kailangan, nagbihis si Nicole, isang simpleng jeans at t-shirt ang kanyang isinuot. Pagkatapos non ay kinarga nya si Baby Nick at nagpaalam sa mga katulong, tinawagan nya si srgt. Dela Vega at sinabi nyang nakahanda na sya papunta sa mall kung saan ang usapan nila nang lalaking tumatawag sa kanya.

Samantalang ang mga tao ni srgt. Dela Vega ay nakakalat narin naman sa loob nang mall, lahat sila ay nakasuot nang sibilyan para sa trapped operation na gagawin, nakita nilang pumasok si Nicole sa mall at kagaya nang usapan nila sa isang food court sila magkikita, hinanap ni Nicole ang lalaking nakasuot nang damit ayon sa binigay nitung discripsyon sa kanya, maraming naka sombrero sa food court, kaya naglakad pa sya para hanapin at isa-isahin ang kulay nang kasuutan nang mga naka sombrero. Hanggang sa isang lalaki ang tumawag sakanya..

"Ms. Punzalan!" nilingon iyon ni Nicole, marahil eto na ang lalaki dahil tugmang-tugma ang kasuutan nitong damit at sombrero. Nakapantalon at t-shirt na pula eto, may malaking peklat eto sa mukha na tila isang taga nang itak. Lumapit si Nicole at naupo sa kaharap nitung upuan. Samantalang nakalatag ang ang isang envelop sa ibabaw nang mesang nandoon. Inabot sakanya yon nang lalaki. Pasempleng inabot yun ni Nicole at binuksan. Nakita nya sa larawan si Cathy, na may inaabot sa lalaking tila isang bungkos nang pera. Laking gulat nya na ang lalaking nag abot nang envelop sa kanya ngayon ay sya ring nasa larawan.

The baby Maker  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon