The baby Maker - Chapter Ten

27.7K 428 9
                                    

C H A P T E R- #10

Parehong napatda sa kainauupuan ang dalawa ng makita ang pagtawag ni Cathy. Kinuha ni Nicole ang kanyang cellphone at singaot iyon.

"Yes ma'am Cathy pasensya na kayo, medyo abala pa po kase ako sa ngayon kaya di ko pa magawang makipagtagpo sainyo, hayaan nyo po at pag natapos ang trabaho ko makikipag-kita po ako sa inyo.." si Nicole na agad na nagpaliwanag sa dating amo.

"Sige Nicole, wag mo masyado papatagalin ha.. Medyo sabik na rin ako na makita kang muli at makasama. Pasensya kana sa lahat." tila naman senserong hinge ng paumanhin ni Cathy ngunit sa kabilang linya panay ang arko ng kilay nitu.

"Wala na po iyon sa'kin, sana nga po bukal ang lahat sainyo, ng maging maayos po tayo.." tugon naman ni Nicole sa kausap.

"Oo Nicole, hayaan mo't pag nagkita tayo makikita mo na talagang sensero ang pakikipag-ayos ko sa'yo.." si Cathy na inginunguso pa ang labi nitu kulang nalang duraan ang kausap nitu sa pagpapanggap na nakikipag-ayos sya ng bukal sa loob.

Matapos na makapag paalamanan ang dalawa ay tinuloy ni Nicole ang pagkain, mataman lang na nakinig si Archie at tiningnan si Nicole.

"You don't have any plan na kausapin ako about what happen sa'ting dalawa last night? Alam kung this time it's not about the money, I feel it, at alam kung naramdaman mo rin ang nasa loob ko.." mahabang panimula ni Archie.

"Sir Archie wala naman ho tayong dapat na pag-usapan eh, nagkakamali ka ng nararamdaman mo, maging ako man nagkamali din. Kung sakali man tama ang nararamdaman natin sa isa't-isa ngayon mali naman ang setwasyon at pagkakataon na para sa atin, kaya wala ho tayong magagawa kundi itigil ang kabaliwang eto.." tugon ni Nicole sa sinabi ni Archie.

Matapos sagutin si Archie ay tumayo si Nicole at iniligpit ang kanilang pinagkainan, dadamputin na nya ang plato ni Archie ng hawakan ng lalaki ang kanyang kamay, agad namang iniiwas ni Nicole iyon.

"Bakit mali? Hindi pagkakamali etong ginagawa natin, kung may nararamdaman ka rin para sa'kin, then pwede tayong magsama.." tugon ni Archie..

"Magsama? Naririnig mo ba yang sinasabi mo Sir Archie? Wala ho akong planong maging kabit ng kahit sinu at hindi ho kaya ng kunsensya ko na samahan kayo dahil alam kung kasal kayo ni Ma'am Cathy.." inis na sagot ni Nicole..

"Makinig ka Nicole, hindi kami kasal ni Cathy, hindi totoo ang kasal namin, kaibigan ko ang nagkasal sa amin, hindi nya pinasok ang papel na yon dahil gusto ko muna na makita ang totoong ugali ni Cathy. I know sasabihin mo na napakasama ko, pero sya ang nagpupumilit sa kasal alam ko I have a feeling for her before but when the day that I meet you, suddenly everything change. Now I was falling inlove wuth you and that's true, I swear.." mahabang paliwanag naman ni Archie. Nagulat man si Nicole sa sinabi nitu na hindi sila kasal, may saya namang naramdaman ang kanyang puso, dahil hindi pala kasalanan ang nangyari kanila ngunit naawa naman sya sa kanyang dating amo. Marahil hindi pa nitu alam ang lahat ng ginawa ng nobyo.

Muling naupo si Nicole sa bakanteng upuan, at hinarap si Archie.

"Alam ba ni Ma'am Cathy ang ginawa mo?" tanong nitu..

"No. Pero sasabihin ko na rin sa kanya ngayong magkikita kami, isa pa alam kung eto ang tama kung gagawin, ayoko na umasa pa sya sa'min. Gusto kung magsimula na kasama ka Nicole." tugon ni Archie..

Bumuntong hininga si Nicole.

"Saka ko na iisipin yan, may mga kailangan pa akong ayusin si Donya Lara, kailangan kong ayusin ang bangkay nya, pwede nyo ho ba akong tulungan?" muling tanong ni Nicole..

"Sure. Pero kailangan mo ng hospital record nya for incase, baka kase may mag claim na kamag-anak. Ikaw lang ang kasama nya, at ayokong mapahamak ka." tugon naman ni Archie na mababakas sa mukha nitu ang pag-aalala.

The baby Maker  [Completed]Where stories live. Discover now