The baby Maker - Chapter Eight

25.5K 418 6
                                    

C H A P T E R- #08

Nang bumalik si Archie kung saan naroon ang asawa ay wala naman etong imik, maging si Cathy ay di nagawang magsalita sa asawa.. Tahimik na kinikim-kim ang galit na nasa kanyang puso.. Gusto nyang murahin ang asawa bayuhin ang dibdib nitu sa kanyang nararamdaman, ngunit mas minabuti nyang manahimik nalang.

Matapos makapamili sina Donya Lara at Nicole agad din naman silang umuwi. Nang makarating ng bahay agad na nag-gayak ng lulutuin si Nicole para sa kanilang dalawa. Buti na nga lang sa bahay na yon kahit papaano ay may telibesyon kaya naman, di ganoon na nalulungkot si Nicole at nakikipagkwentuhan din sya kay Donya Lara. Ngunit malihim ang matandang eto, tila dipa sya pinagkakatiwalaan. Normal lang naman yon dahil bago lang sya.

Matapos makagayak ng kanilang hapunan agad nyang inanyayahan si Donya Lara sa hapag kainan. Makikita ang karangyaan ng bahay na eto ng bago pa lamang, ang napakahabang mesa ay magiging saksi sa kanilang buhay, isa etong matandang molave na talaga namang napakatibay na kahoy. Kumain silang dalawa ng mag kasabay.

"Donya Lara, maaga po ako bukas lalabas ha.. Nanabik na po kase ako sa Inang at Tatang ko. Tsaka Donya Lara kung maari sana kukuha ako kahit kalahati ng sahod ko, kailangan ko kase ng pambili ng gamot para sa Tatang ko.." paalam ni Nicole..

"Sige iha, gisingin mo ako bukas kapag-aalis kana.." tugon naman ni Donya Lara. Alam na nya ang lahat kay Nicole maging sa magulang nitung may sakit kaya naniniwala sya sa sinasabi nitu.

Dahil sila lang namang dalawa sa bahay kaya, sya nadin ang gumagawa ng gawaing bahay, nagpapalinis si Donya Lara ng bahay isang beses sa isang Linggo, ngunit kapag wala namang ginagawa si Nicole sya na ang gumawa ng mga eto.. Matapos makapagligpit ng pinagkainan, dinalhan nya ang matanda ng gatas pinainom saka sya pumasok sa kanyang silid. Nagpahinga sya para sa lakad nya kinabukasan. Nakagawian na ni Nicole ang maligo bago matulog kaya naligo muna sya ng kanyang katawan saka nagpahinga..

Kinabukasan maaga bumangon si Nicole pinagluto muna nya ang matanda ng agahan, saka sya nagtungo sa silid nitu at nagpaalam, nakita nyang gising na eto kaya naman mabilis nyang nasabi ang pakay ilang sandali pa'y inabot na nitu ang kanyang perang sinabi ng nagdaang gabi. Nagmano sya dito saka tuluyan lumabas. Paglabas ni Nicole isinira nya ang pintuan ng malaking bahay. Bago sya tumuloy sa kanilang bahay, nag grocery na muna sya ng gamit ng mga magulang. Matapos makapag grocery iniwan nya muna ang pinamili pansamantala sa bagage counter ng super market, dahil araw ng Nanay naisipang dumaan ni Nicole sa isang bilihan ng Cake para sa kanyang Inang..

Nang araw ding iyon maagang bumangon si Archie at gumayak, araw ng mga nanay kaya gusto nyang bumili ng isang cake at bulaklak para sa kanyang Mama. Nagtataka si Cathy kung bakit maaga bumangon ang asawa, alam nyang wala etong pasok. Naalala nya ang tagpong nakita nya ang asawa na kausap si Nicole. Susundan nya eto, wag lang magkakamali ang Nicole na yon dahil kung tama ang kanyang hinala, makakapatay sya ng dating tauhan. Lihim na sinundan ni Cathy si Archie. Hanggang sa magawi eto sa di naman kalakihang super market. Pumasok si Archie sa isang cake shop, nasa harapan sya ng stand ng cake, pareho pa silang nagulat ng mapagsinu rin ang nandoon sa loob. Si Archie ang unang nagsalita.

"Kumusta ka?" tanong nitu..

"Ayos lang ako.." tipid namang sagot ni Nicole.

"Can I invite you for a coffe..?" tanong ni Archie.

"Dito nalang tutal nagseserve din naman sila ng coffe dito." si Nicole kaya kumuha sila ng isanh maliit na round table pangdalawahan.

Sa di kalayuan nakikita ni Cathy ang naganap, di nya akalain na unti-unti syang niloloko ng asawa. Ang pag-aakala nya ay sinadya ang tagpong nagkita sina Nicole at Archie. Tumutulo ang kanyang luha at puno ng paghihiganti ang kanyang nasa isip para kay Nicole.

The baby Maker  [Completed]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα