The baby Maker - Chapter Four

28.8K 487 8
                                    

C H A P T E R- #04

Dalawang araw bago ang kasal nina Archie at Cathy nakipagkita muli si Sandy kay Nicole upang ibigay ang isusuot nitu at ang paunang bayad sa dalaga. Minabuti ni Sandy na makipagkita narin kay Nicole ng saganun ay ma brieffing nya eto sa dapat na gagawin at kung anong oras sila magkikita sa susunod araw.

"Eto ang kalahati ng kabuuang kabayaran, kapag buntis kana ibibigay namin ang susunod. Eto ang damit na isusuot mo pareho kayo ng kaibigan ko ng isusuot, magbaon kanalang ng extra pang damit, susunduin kita sa apartment mo para dika na mahirapan, pwede pakiiksian ng konte ang buhok mo, parang short layer ang gupit, mahaba kase ang buhok mo compare sa kaibigan ko. Then ikaw na bahala, slight make up lang.." sunod sunod na bilin ni Sandy.

"Okey sige. Tawagan mo nalang ako para makapag gayak ako." tanging naistugon ni Nicole.

"Okey sige. Salamat." at nagpaalam na si Sandy.

Hinintay lang ni Nicole na makaalis si Sandy at umalis narin sya at umuwi ng kanyang apartment. Maingat nyang tinabi ang salaping hawak, pagkatapos ng gabi na magkakasama sila ng asawa ng kaibigan ni Sandy plano nyang tumulak ng probinsya para sorpresahin ang kanyang Inang at Tatang.

Matapos maitabi ang salaping hawak ay, naupo sya sakanyang maliit na sofa. Tila nag-iisip ng malalim. Nag iisip dahil sa mangyayara sa susunod na araw..

"Oh.. Dyosko sana mapatawad nyo po ako sa gagawin ko.. Kailangan ko lang gawin kase para kay Tatang.." halos maluha si Nicole sakanyang pagdasal..

Sumapit ang araw na pinakahihintay ni Cathy. Dahil sa simpleng kasal lang ang kanilang ginawa at sa harapan ng judge na kakilala ni Archie kaya simple lang din naman ang ang kanilang kasuotan. Matapos ipaabot ang pagbati ng judge na nagkasal sa kanila ay nagpaalam naman ang ngayon ay mag asawa ng Archie at Cathy Villaberde..

Simple man ang naging kasal nila, pinanghahawakan naman ni Cathy ang sinabi ng kanyang asawa na magpapakasal parin sila sa simbahan. Kaya parehong napakasaya nina Archie at Cathy. May mangilan ngilan silang kaibigan na dumalo sa pagdiriwang na yun kaya naman magkakasama sila na kumain sa isang kilalang restaurant, wala si Sandy sa okasyon na yon. Alam naman ni Cathy ang dahilan kung bakit wala ang kaibigan. Kaya sya nalang ang nagpaliwanag kay Archie na may inaayos kaseng mahalagang lakad ang kaibigan. Habang kumakain sila kantyawan ng mga kaibigan ang pagkakaroon ng baby ng dalawa, di naman agad na makaimik si Cathy. Dinadaan nalang nya sa ngiti ang mga eto..

Matapos ang lunch nila dahil may pinareserbang hotel si Archie sa Makati doon naman sila tumuloy ni Cathy, kagaya ng dati dumaan muna sila sa isang outlet ng alak, bumili si Cathy ng dalawang bote. Mainam na ang may reserba sya. Kesa kapusin.. Yon lang at humayo na rin silang mag asawa.. Malaki ang hotel na kinuha ni Archie may pool din eto sa rooftop kaya naligo pa ang mag asawa, doon sila nagpalipas ng oras..

Habang abala ang mag asawa sa rooftop ng hotel, sina Nicole at Sandy naman ay lihim na kumikilos sa loob ng building ng hotel, kinuha nila ang katapat na kwarto ng suit nina Archie at Cathy. Nandoon sila sa kwarto naghihintay ng tawag ni Cathy. Habang si Sandy ay nanood ng telebisyon si Nicole naman ang di mapakali sa kinauupuan nito, madalas nyang himasin ang kanyang mga daliri, nakakaramdam sya ng pagkabalisa. Napansin naman eto ni Sandy.

"Are you okey?" tanong ng dalaga.. Tango lang ang naging tugon ni Nicole. Pagkatapos ay tumayo at tumanaw sa labas ng bintana ng kanilang kwarto pagdakay naupo uli.

Pasado alas sais ng hapon ng makatanggap ng message si Sandy. Papunta na sila ng suit. Alam ni Sandy na mag iinuman pa ang mga eto kaya pinakalma nya lang muna si Nicole dahil mas nabahala eto ng nalaman na papasok na ng suit ang mag asawa.

The baby Maker  [Completed]Where stories live. Discover now