The baby Maker - Chapter Sixteen

22.4K 346 5
                                    

C H A P T E R- #16

Makalipas ang halos sampung minutong paghihintay agad namang dumating si Archie..

"God! Daddy uugatin na ang binti ko kakahintay sa'yo ah.." reklamo ni Nicole.

"Mommy sampung mituto palang ang nakalipas mula nang tumawag ako ah, tsaka bat kase nakatayo ka, dika naupo.. Para yung ugat sa pwet.." biro ni Archie dito.. Sumimangot naman si Nicole dito..

"Asus alam ko na yan.. Isang kiss lang ang katapat nya.. Mmmwaahh..." bigay halik sa labi ni Archie..

"Ganon kiss lang talaga?.." ingos pa nang labi ni Nicole..

"Pwede Mommy more than kiss kaya lang kabuwanan mo na, baka mahirapan ka.." sabay kindat ni Archie.. Hinampas naman sya ni Nicole sa balikat..

"Kung anu-anung iniisip mo, umalis na tayo at baka dipa natin maabutan ang misa.." sita naman ni Nicole..

Agad na pinaandar muli ni Archie ang sasakyan at nagtungo sila sa simbahan. Samantalang si Nicole eh di naman talaga mapakali sa kanyang tyan, panay ang himas nya dito.

"Something wrong Mommy?" tanong Ni Archie..

"Don't know Daddy, kanina pa to parang humihilab eh, medyo masakit pero kaya ko naman.." tugon naman ni Nicole..

"Kapag di mo kaya, sabihin mo kaagad ha, para madala kita sa ospital.." sagot naman ni Archie at tumango naman si Nicole..

Ilang minuto pa ay narating din nila ang simbaha. Dahil halos puno na ay medyo nahirapan pang magparke nang sasakyan si Archie. Natanaw naman ni Nicole sa di kalayuan ang sasakyan nila. Malayo ang pinagparkehan nitu medyo, pareho na silang huli, kaya nakipark nalang si Archie sa labas nang isang bahay malapit sa simbahan.

Nag-uumpisa na ang misa nang pumasok sina Archie at Nicole, pareho nalang sila nakatayo, wala nang bakanteng upuan samantalang ang mga magulang ni Nicole namataan naman nyang nakaupo pa kahit papaano.. Kinawayan sya nang kanyang ina para maupo eto, nagunit tinanggihan naman nya.. Nasa Gospell pagpasok nila kaya nakinig na muna sila sa sermon nang pari..

Matapos ang misa.. Nilapitan naman ni Nicole ang mga magulang para batiin eto nagmano sya at niyakap ang mga magulang nagmano rin naman si Archie kahit di naman talaga nya nakasanayan na magmano sa mga katandaan o nakakatanda. Pagkatapos sabay-sabay na silang lumabas.. Hinatid naman ni Nicole ang mga magulang nya sa sasakyan..

"Mang Bernie may problema ba kanina kapa parang may hinahanap ah.." bati naman ni Nicole sa tagamaneho..

"Parang may naririnig kase akong, tunog nang orasan yung pag lakad nang mga galamay nang orasan, kanina ko pa hinahanap wala naman.." tugon naman ni Mang Bernie..

"Ganun ho ba ? Hayaan nyo na muna kapag may deperensya dalhin nalang natin sa casa yan.." tugon naman ni Nicole.

"Inang, Tatang bibili lang kami ni Archie nang bibingka, uwi di agad kami mauna na ho kayo ni Tatang sa bahay ha.." paalam ni Nicole sa magulang. At kumaway sa mga eto, kumaway din ang tatang at Inang nya sabay sabing mag-ingat sila ni Archie..

Pagkatapos ay nagtungo na sya sasakyan ni Archie, naghihintay narin ang lalaki, bago sya tuluyang pumasok nang loob kumaway muli sya sa kanyang magulang, gumanti naman nang kaway ang kanyang Inang at tumango lang ang kanyang Tatang.. Pagkasara at pagkaupo nya sa upuan nang sasakyan, kasabay niyon ang narinig nilang malakas na pagsabog, maging sila ay niyanig nang pagsabog na yon..

"IIIIINNNNNAAAANNNNGGGG!! TTTAAATTTAAANNNGGG!!" palahaw na sigaw ni Nicole nang matanaw ang sasakyan na kinalalagyan nang magulang, eto ang sumabog at napapalibutan na eto nang apoy..

The baby Maker  [Completed]Where stories live. Discover now