The baby Maker - Chapter Twelve

27.2K 437 11
                                    

C H A P T E R- #12

Habang namimili si Nicole nang mga kailangan nila sa bahay, panay ang tingin nya sa mga baby's supply.. Nagagandahan sya na panoorin ang mga malilit at mumunting tila ba mga baru-baruan ng mga manika, pagdakay hinimas nya ang kanyang tyan nang marahan.. Tatlong buwan na rin ang kanyang tyan ngayon. At dipa naya naiisip ang sasabihin sa kanyang mga magulang oras na magtanong ang mga eto.

Nasa ganoong pag-iisip sya nang dumating si Archie, pinagmamasdan nya si Nicole na nakatanaw sa mga damit nang baby habang marahang hinihimas nitu ang kanyang tiyan.. Ilang segundo rin nya pinagmasdan ang dalagang ina. Ang ina nang kanyang magiging anak.

"Maganda ba yan?" sinadya ni Archie na marahan lang ang tono nang kanyang boses baka kase magulat eto. Napalingon naman agad si Nicole sa may-ari nang boses na yon..

"Nagagandahan ako sa mga kulay nila.." tipid na tugon naman ni Nicole.

"Mukang wala ka pang napapamili, wala pang laman gaano ang push-car mo.." puna ni Archie..

"Medyo nga nagawi kase ako dito, ayan nalibang ako kakatingin nang mga gamit nang baby.." muling sagot ni Nicole sa binata.

"Tulungan na kitang mamili, anu-anu ba ang mga kailangan mo at dadamputin ko para sa'yo.." pag-aalok naman nang tulong ni Archie..

Isang larawan nang mag-asawang tila ba bagong kasal ang makikita mo kina Archie at Nicole. Masaya silang namili nang oras na iyon, si Nicole naman ay pansamantalang kinalimutan ang nangyari kanila ni Cathy kani-kanina lang. Hindi narin nya eto binanggit pa kay Archie, ayaw nya nang gulo..

Matapos na makapamili sa sasakyan na ni Archie nila inilagay ang mga groceries ang binata narin ang maghahatid sa dalaga sa malaking bahay.. Habang papauw, tahimik lang si Nicole si Archie ang nagsalita.

"Kumain muna kaya tayo, medyo tinamaan ako nang gutom eh.." wika ni Archie..

"Sige okey lang.. Gusto ko sanang kumain nang cheese cake,." nahihiya namang wika ni Nicole, nakayuko pa eto nang sabihin iyon.. Nang makita naman ni Archie ang dalaga, natatawa sya dito hanggang ngayon nahihiya at naiilang parin eto sa kanya. Eto ang mga katangian na gusto nya kay Nicole, hindi eto magaspang, mahinhin at makikita mo talagang mabait, kaya lang ayaw naman nya nang sobrang bait na halos nagpapa-api na sa kapwa lalo na kung may pang laban naman kaya madalas din nya pag sabihan si Nicole..

"Okey Donya Nicole kakain tayo nang cheese cake, alam mo dapat ikaw ang nanlilibre sa'kin eh, ang dami mo nang pera.. Kailangan matikman ko naman ang yaman mo, napakaunat mo kaya.. Wag mong itago ang pera mo, gamitin mo di mo madadala yun sa kamatayan.." pagbibiro ni Brent. Natawa naman si Nicole sa sinabi nitu.

"Sir Archie, di naman sa'kin yon kay Donya Lara yong mga yun.." tugon ni Nicole..

"Kanino ba ipinamana ni Donya Lara? Diba sa'yo kaya sa'yo na yun at wala na si Donya Lara.. Ikaw ang tagapagmana nya kaya sa'yo na yon.." paliwanag ni Archie. Ilang sandali pa ay huminto si Archie sa isang restaurant.. Agad etong bumaba at pinagbuksan ng pintuan nang sasakyan si Nicole.

"Thank you sir Archie.."

"Ilang buwan na ba tayong magkakilala, gang ngayon Sir parin ang tawag mo sa'kin di ba dapat ako ang tumawag sa'yo nang ma'am..? Biro ni Archie dito.. Nakasanayan na ni Nicole na tawagin etong sir dala nang paggalang nya noon kay Cathy.

Nang makapasok sa loob nang restaurant inalalayan pa ni Archie na makaupo naman ang dalaga.. Agad na umorder nang makakain ang sina Archie at Nicole at syempre isinama ni Archie ang white cheese na gustong kainin ni Nicole. Ilang minuto ang lumipas agad na inihain ang kanilang order.. Di naman pinansin ni Nicole ang pagkain na kinuha ni Archie, sinadya nitung hintayin ang Cheese cake. Nakangiti lang si Archie sa isip nya marahil ngayon palamang naglilihi eto. Kaya pinahain nya agad ang cake, at yun lang talaga ang kinain ni Nicole. Pinabalot nalang nya ang pagkaing di nagalaw nang dalaga.

The baby Maker  [Completed]Where stories live. Discover now