The baby Maker - Chapter Six

27.7K 427 11
                                    

C H A P T E R-#06

Sa narinig ni Cathy na sinabi ni Nicole tila nawala sya sa sarili. Di nya akalain na magagawa ni Nicole na ibenta ang dangal para sa pera, nakita nalang nya ang kanyang sarili na papalabas na ng Jewelry Shop nya. Ngunit napakasakit sakanya na malamang ang kanyang asawa pala ang nakauna sakanya.. Parang nakaramdam sya ng panliliit sakanyang sarili..

Pagkatapos makausap si Nicole, nakipagkita naman si Cathy kay Archie sa isang restaurant, may sorpresa daw ang kanyang asawa kaya makikipagtagpo sya dito. Nasa loob na ng Restaurant na yon si Archie at hinihintay sya, malayo pa sya ay binigyan na nya eto ng matamis na ngiti,sinalubong naman ni Archie ang kabiyak ng isa ring matamis na ngiti..

"Hey sweetee.. I'm sorry medyo nalate ako eh.." hinging paumanhin ni Cathy..

"It's okey sweetee, have a seat.." anyaya naman ni Archie sa asawa..

Kumain ang mag-asawa sa pareho nilang paboritong Restaurant.. Habang kinukulit naman ni Cathy si Archie kung ano ang sorpresa nitu, di sya makapaghintay na sabihin ng kabiyak kung anu ang sorpresa nitu.. Pagkatapos nilang kumain nag-ayang lumabas ng Restaurant si Archie. Dahil dala ni Cathy ang kanyang sasakyan, sumunod nalang eto kung saan ang tungo ng sasakyan ng asawa.. Makalipas ang ang halos biente minutos na pagtakbo ng kanilang sasakyan huminto si Archie sa isang two-storey na bahay kulay puti at cream ang pintura nito. Bumaba si Archie kaya bumaba narin si Cathy ng sasakyan..

Humanga si Cathy sa desenyo ng bahay na iyon,napakaganda nito kahit sa labas palang makikita mo na ang desenyo ay talagang pinag-isipan. Habang nakatingala si Cathy,lumapit naman si Archie dito.

"Sweetee ang ganda naman ng bahay na eto, one of you design?" tanong ni Cathy..

"Yes. At dito tayo titira. Dito natin bubuuin ang ating pamilya, kasama ng napakaraming supling.. Di pa tapos sweetee.. At oras na makasal tayo, dito na tayo muli lilipa." wika ni Archie na punong-puno ng pangarap para sa kanila ni Cathy. Masaya na sana si Cathy ngunit ng marinig nya ang mga supling bigla nanamang lumungkot ang kanyang mukha. Napansin naman ni Archie iyon.

"Di ka ba masaya sa pinakita ko sayo?" tanong ni Archie..

"Masaya sobrang saya.." tugon naman ni Cathy na pilit na pinasigla ang boses.

"Lima ang kwarto nyan, tatlo sa mga baby natin, isa para sa guest at ang master bedroom para saatin.." masaya pang wika ni Archie.. Tango nalang ang sinagot ni Cathy sa asawa. Ngunit sa kanyang loob paano nya maibibigay ang tatlong baby, etong isa pa nga lang halos patayin na sya sa sama ng loob, tatlo pa kaya.

"Kelan ka lilipat sa Pad q sweetee? Mas mainam ibenta mo nalang yong unit mo, then magkasama na tayo sa pad ko.. Habang hinatay natin na matapos ang bahay natin, eto ba eh wala pang laman? Ang tagal narin natin gumagawa, kaht dipa tayo kasal nag-advance na nga tayo eh.." nakangiting tanong at hipo sa tyan ni Cathy..

"Wala pa siguro sweetee." tipid namang tugon ni Cathy.

"Magpatingin kaya tayo pareho.. Nang sa ganun makapag suggest pa ang doctor nang pwede nating gawin.." si Archie..

"Ha?! Eh hintayin nalang natin maybe next month malay mo sweetee.." tugon ni Cathy..

"Okey sinabi mo eh, malakas ka sa akin sweetee.." tugon naman ni Archie, sabay kindat pa sa kabiyak..

Dahil sa pangungumbinsi ni Archie na sa Pad na nya tumira si Cathy ay nagpasya naman eto na lumipat narin, tutal naman ngayon ay mag-asawa na sila wala naman ng masama kung magkasama na sila sa iisang bubong ngayo. Halos isang linggo ang mabilis na lumipas kasabay ng paghahakot ng mga gamit ni Cathy patungo sa Pad ni Archie, naging abala din sya sa pagbibinta ng kanyang unit.. Pansamantalang di rin nya nadadalaw ang kanyang shop, talagang sinasadya nya na wag na muna pumunta doon, ayaw nyang makita si Nicole.

The baby Maker  [Completed]Where stories live. Discover now