The baby Maker - Chapter Fourteen

24.1K 381 9
                                    

C H A P T E R- #14

NAPAKASAYA ni Nicole nang makita nya ang galit sa mukha ni Cathy, halos di naman nakapagsalita si Sandy.. Ngunit nang hihinayang sya sa pera..

"Kapag umiral talaga ang pagiging maldita walang pupuntahan, kagaya sa nangyari sa'kin now.." kausap ni Nicole ang sarili habang hinihintay si Archie. Nakuha nya ang bid ngunit kailangan nya eto balikan kinabukasan una dahil wala syang dalang pera o kahit checked book man lang..

Makalipas ang halos sampung minutong paghihintay ni Nicole, dumating narin sa wakas si Archie. Kaya tumayo naman sa kinauupuan si Nicole.. Sa di kalayuan nakamasid naman si Cathy nang makita nyang dumating si Archie, agad eto lumapit sa dalawa..

"Talagang sinasagad mo ang galit ko Archie, pinangatawanan mo na talaga ang babaeng eto.!!" galit na galit na wika ni Cathy sabay tulak kay Nicole napabalandra si Nicole sa sasakyan ni Archie.. Napadaing naman agad si Nicole sa sakit niyon di nya naagapan ang gagawin ni Cathy.. Nang makita ni Archie si Nicole na tila nasaktan eto hinarap nitu si Cathy.

"Sa susunod na kantiin mo si Nicole ako ang makakalaban mo Cathy, kaya tigilan mo sya!" galit at sabay duro nang daliri ni Archie sa babae..

"Walang hiya ka talaga Archie, tandaan nyo ang mga pinag-gagawa nyo, dahil kapag ako ang naningil sisiguraduhin kung magmamarka sainyo yun!" sigaw ni Cathy kay Archie..

Agad naman na dinaluhan ni Archie ang si Nicole, payakap na inalalayan sa sasakyan kaya di nakita ni Archie ang ngiting nakakainsulto na binigay ni Nicole kay Cathy.. Nang makasakay na ang dalawa ay kumaway pa si Nicole kay Cathy at nginitian eto na tila nang-iinis..

"May-araw karin Nicole tandaan mo yan..!"sabay balibag ni Cathy nang sandals na suot sa sasakyan ni Archie..

"Okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Archie nang nasa loob na sila nang sasakyan..

"Oo okey lang ako, salamat sa pagtatanggol mo sa'kin sa asawa mo kuno.." naiinis namang sagot ni Nicole..

"Oh ba't ganyan ang itsura mo, don't tell me nagseselos ka.. Sa'yo na po ako, sa'yong sa'yo.." nakangiting sagot ni Archie..

"Hindi yon, pinilit mo kase akong pumunta dun sa auction na yun, eh nainis ako sa dati mong asawa ang yabang-yabang ayun nakipag pataasan tuloy ako, umabot nang higit kalahating milyon ang bid nang pearl na yon.. Anung gagawin ko dun, napakamahal naman nun.." reklamo ni Nicole..

"Hahahahahaha... So you mean sumali ka sa bidding at malamang nanghihinayang ka sa pera na na-i-bid mo sa auction.." malakas ang tawa ni Archie, alam nyang may pagkakuripot talaga eto.. At talagang nanghihinayang sa pera na gagastusin lalo na kung sa walang kabuluhan lamang..

"Natatawa ka pa namomoroblema na nga ako, kailangan ko pang makuha yun bukas tapos magbibigay ako nang 600 thousand.. Oh! My God!.." bulalas ni Nicole..

"Midnight snack muna tayo, kumain ka ba dun? Sagot ko wag ka alala dahil nalagasan ka nang higit kalahating milyon.."nakangitng wika ni Archie sabay halik sa tyan nitu.. Nagpatianod naman si Nicole..

Habang kumakain napagkwentuhan nila ang mga alahas ni Donya Lara..

"I have a good idea, mapapagkakitaan mo pa ang mga alahas na nakatabi nang yumaong si Donya Lara.. Bakit di mo sya ilagay sa isang Musseum, alam mo ang mga mayayaman mahilg sa mga antic gold, at mawiwili sila, kung di mo gusto ang mga alahas pwede mo palagyan nang presyo iyon sa isang nagsusuri nang mga alahas, at bawat visit nila sa musseum kikita ka.." mungkahi ni Archie..

"Naisip ko nga iyon.. Sige gagawin ko iyon bast tulungan mo ako ha.." pagsang-ayon naman ni Nicole..

"No problem. Maniningil ako sa payment ko ah.." sabay kindat naman ni Archie dito..

The baby Maker  [Completed]Where stories live. Discover now