Chapter Forty Eight: Stage Three and Four

1.8K 39 7
                                    

Chapter Forty Eight

Stage Three and Four: Bargaining and Depression

March 20, 2011

Fuck me right?

Halos lahat ng tao kinakausap ako, para pagaanin ang loob ko, pero wala akong pinapakinggan. Lagi kong kausap si Ashley noon.. She'd ask me pero minsan lumiliko yung sagot ko.. pero may isang beses na napaiyak nya talaga ako sa tanong nya.. Tapos no'n sabi nya nagfreak out daw talaga sya ksi first time nya daw na makita akong umiiyak..

Because all I did was to pretend I’m okay and everything was under control, everday.

I can even smile and laugh like the way I used to, pero ayoko sa lahat yung umuuwi ng bahay. Madalas nakila Tita Lauren ako at natutulog.

Yes, I was sleeping. Bakit? Dahil sa kwarto lang ni Mark ako nakakaramdam ng comfort na kailangan ko para makatulog ng maayos..

Just to surpass another day.

And I think I just destroyed my voice. Masyado kong isinigaw lahat ng kinanta ko noon kasama ng old friends ko sabay inom ng malamig na alak kaya kinabukasan sobrang sakit ng lalamunan ko at wala akong boses. Parang may isang malaking sugat sa loob ng lalamunan ko tapos pag nagsasalita ako, masakit. At nagpatuloy yon nang isang linggo..

Pero napuno na siguro ako noong magusap kami ni Ian.

Pakiramdam ko kasi napagkaisahan ako..

Silang magbestfriend.

“I have something to say.” Sabi nya nang huminto sya sa kanto malapit sa compound namin.

“Hmm?”

“I just wanted you to know this, parang kailangan lang.”

Tumingin ako sa kanya, naghihintay.

He seemed uneasy..

“Mark and I.. we fought.” Nagulat ako. Hindi pa sila nag-aaway na talagang away ever since, that’s what Mark told me before.

“Kailan? Bakit?”

“After you two broke up. The official one.”

Natawa ako sa ‘the official one’. “Aahh..” Given naman ‘yon. Nadawit na sya simula pa nang madulas ang dila nya.

“Akala nya sinusulot kita sa kanya.”

“Fuck you.” Sa sobrang gulat ko, nasabi ko talaga yan. Natawa sya.

“Syempre, jealousy. Sabi ko nga sa’yo lasing yon di ba? Ang brand ng liquor? Jackie.”

Ako naman ang natawa. “Baliw.”

“Ako? Baka ikaw.”

Napangiti ako ng konti. “Konti na lang.”

“Remember nung umuwi sya dito? Hindi ikaw ang unang pinuntahan nya, ako.”

“Wag mong sabihin..” NO WAY.

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon