Chapter Thirty One: Pain, pain go away..

1.6K 34 5
                                    

Chapter Thirty One: Pain, pain go away..

“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa’yo. Wag mong hintaying sakit na lang ang maramdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

Paulit ulit ko tong binabasa sa phone ko. Pinasa ni Jie ‘to noon. Group message lang pero tinamaan talaga ako.

Bakit ba nakakapit pa ko kung higit ang sakit kaysa saya na nararamdaman ko?

Dahil ba mahal ko pa sya?

O mahal ko pa ang mga alala namin?

Dahil sayang yung pinagsamahan namin?

O umaasa pa kong mararamdaman ko ulit yong naramdaman ko noon sa kanya..

First week ng September ‘yon at nag-aaway kami..

Sigawan dito, sigawan doon.

Masasakit na salita dito, iyak doon.

Titigil tapos mag-aaway na naman..

Dito ko naramdamang napapagod na ‘ko.

Pakiramdam ko pinipilit ko na lang siyang ayusin lahat..

Sinusubukan kong maayos lahat ng gusot pero sya mismo ayaw makipagcooperate..

Na parang ako na lang yung lumalaban para sa’ming dalawa..

Siguro eto na yung hangganan ko.

Hindi ko nakayang itolerate LAHAT ng nangyari this past few months..

“Alam mo, nakakasawa na ‘to. Sobrang nakakasawa na..” Sabi ko tapos nya ‘ko sigawan..

“Ikaw pa nagsawa! Okay a.”

“Hindi ba nakakasawa yung tawag ako nang tawag at walang sumasagot? Yung away tayo nang away at sorry ako nang sorry kahit hindi naman ako yung may kasalanan? Hindi ba nakakapagod yung pag-isip ko gabi gabi kung tatawag ka ba o hindi?”

“Sa tingin mo hindi rin ako nagsasawa sa mga away natin ha? Yung panahong nirereject mo yung mga tawag ko kapag kasama mo yang mga kaibigan mo? Pinagbawalan na kitang lumapit sa Ex mo pero hindi mo pa rin ginawa!”

“Hindi na tayo magkaintindihan, Mark.” Pinahid ko yung mga luhang nagtatalunan mula sa mata ko. Paulit ulit na lang yung sagot ko..

“What the hell are you saying?!” He shouted.

“Parang may mali kasi..”

“Kaya nga tayo nag-uusap di ba? Kasi may mali.”

“Ilang buwan na tayong ganito.. hindi na tayo nag-uusap ng maayos, Mark.. Hindi ko na kaya.”

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon