Chapter Three: Understanding

4.3K 89 17
                                    

Chapter Three: Understanding

Nakakaasar! Anong problema nya! Sinungitan na, lumalapit pa. Apat na araw na nya kong tineteks, ang kulet. Ilang beses lang ako nagreply.

Parati nyang tinatanong kung anong problema ko at bakit galit ako sa kanya. Sabi ko sya problema ko.

+63922*******

May nagawa ba ko?

Wala dong, nanggugulo ka lang. Nagbabasa ako ng 'The five people you meet in heaven ni Mitch Albom', Hindi ko tuloy ma-enjoy ng maayos. Tinawagan ko na.

"Ano bang problema mo?! Nakakairita ka na!" Bungad ko pagsagot nya ng phone.

"H-ha?"

"May ginagawa ako kaya please, leave me alone kung wala kang sasabihing maganda. Tungkol sa party at sa mga nasabi ko sa phone, talaga yon ang tingin ko sayo. Wala kang mababago don."

"Won't you give me a chance to redeem myself?" Tanong nya.

Anak ng. Wala na nga syang mareredeem kasi wala nang magbabago do’n.

"Can we be friends.. for you to get to know me better?" Sabi pa nya.

Lahat na lang gusto maging kaibigan ko. Tapos kapag nakuha nyo na gusto nya sa'kin tapos din ang friendship. Hindi naman ako It girl.

"Okay." With the hint of sarcasm and syempre I dare him.

"Okay then, let's meet tomorrow, before lunch. Fetch you at your house. See ya." Then he just hung up like that.

 Sinubukan ko syang tawagan ulit pero hindi ko na sya macontact.

ASAR.

________________________


Kinabukasan, talagang nasa tapat nga ng gate namin si Mark. Paano nya nalaman ‘tong bahay ko? Hindi pa nga ako naliligo nung harapin ko sya.

"Seryoso ka pala?"

"Ikaw lang naman hindi." Nakangiting sagot nya.

"Paano mo nalaman tong bahay namin?"

"Sa pinsan ko. Malapit lang pala to kila Trina."

Oo nga pala. The evil pinsan of him. Gigilitan ko yon kapag nakita ko. MALAKI pa kasalanan nya sa'kin.

"Maliligo lang ako." Sabi ko. Tapos tamad tamaran akong pumasok ng banyo at naligo. Hindi ko na sya pinapasok. Bahala sya maghintay sa labas.

Naligo ako, nagshirt at 6-pocket green pants tapos rubbershoes. Tinali ko na lang buhok ko na hanggang bewang tapos lumabas na ‘ko.

"You are the fastest girl I've ever waited to take a shower." Sabi nya nang lapitan ko sya. Napatingin na lang ako sa kanya. 30 minutes akong naligo at nagbihis, mabilis pa yon?

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon