Chapter Nine: Yes

2.5K 56 4
                                    

 

Chapter Nine: Yes

Kinabukasan, 9 am na ko nagising. Usual na gising ko lang.

Nagkanaw ako ng gatas at umupo sa dining table namin.

Dala ko yung phone ko pero hindi ko tinuturn on. .

Sinawsaw ko yung pandesal sa gatas.

Mas masarap to kapag icecream ang palaman ng pandesal.

Tumulala ako. Wala pala akong gagawin mamaya. Matutulog na lang ulit ako tapos kumain. 9:30, I turned on my cellphone.

+63922*******

I already know what happened,

mag-usap tayo. Nasa garden ako

malapit sa simbahan nyo.

I'll wait for you.

8:30 pa ‘to a?

Isang oras nang lumipas. Wala na sya doon.

Ayaw nya ng naghihintay. Nanood na ko ng T.V.

Pagbukas ko si Goku nakita ko. Bakit nandito si Goku?

Hindi ba sya napapagod sa kakahanap sa pitong dragonball? Eto namang dragon, choosy pa. Lalabas lang pag nabuo ang pitong Dragonballs. Bakit hindi na lang makuntento si Goku sa asawa at mga anak nya at tanggapin na lang ang katotohanang hindi nya kanyang tulungan ang lahat ng tao sa earth. Malamang ANIME nga e. Hindi reality. Saka tingin ko enjoy naman sya sa ginagawa nya. Kumbaga, kanya kanyang trip lang yan.

Tapos si Doraemon naman.

Pag nakikita ko ‘to, naaalala ko yung kanta ng Kamikazee na 'Ambisyoso'. Sabi nga nila, you create dreams while sleeping but you can achieve dreams while you're awake. And trivia, approximately 28 years tayong natutulog sa buong life time natin kaya be productive guys, DON'T SLEEP. haha.

I read it somewhere. . 

wala lang. :)

Nang matapos yung palabas, tinignan ko yung relo,10:30. Dalawang oras nang nakalipas. Malapit lang yung simbahan na tinutukoy nya.

San Bartolome Parish Church.

Sa gilid noon ay may garden at mini zoo. Yung parrot na walang ginawa kundi magsabi ng 'panget ka' sa nga tao at ‘tong mga tao naman na ‘to, tuwang tuwa pa  kahit na inaalipusta na ng ibon. May unggoy din na nakakatakot at isdang nangangagat. Buti na lang yung ahas mabait. kundi, ALAM NA.

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon