Chapter Two: Unexpected

3.4K 96 11
                                    

Chapter Two: Unexpected

Two weeks after the Debut..

 Paking tape! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.

Gusto kong bumalik sa boyfriend ko pero kapag nakikita ko sya, hindi ko maiwasang maalala yong pag-aaway namin, naiirita talaga ako.

1 new message

+63915*******

Hey.

O? nakaGlobe ka, sun ako. Wala akong load. Hahaha.

1 new message

???

Jack, kahit at least, pwede ba tayong maging magkaibigan?

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Kahit kailan talaga manhid ako. Hindi ko kasi kayang magpatawad. Alam kong problema ko yo’n pero hindi ko talaga matanggal sa sistema ko yan.

TO:???

Ok.

Hit send. T*ngn*.  Nananakit na naman ako. Pinaninindigan ko na naman ang pagiging brutal sa ibang tao. Bahala na. kaysa paasahin ko sya sa wala.

Nagring yung phone ko, KINABAHAN AKO. Pagtingin ko,

Trina Calling..

Kala ko naman resently Ex-boyfriend ko na. Sinagot ko.

“Bakla! Hello. Kamusta party ko?”

“Sinumpa ko.” Tumawa sya.

“Alam ko. Sumaya ka lang nang makita mo sina Anne.”

“Malamang! May kasama ko sa kamiserablehan ko.”

“Anyways, yung partner mo noon kamusta?”

“Ha?"

“Si Mark. Pinsan ko. Yung matagal ko nang nirereto sa’yo. Sabi ko patinuin mo.”

 AAhh.. kaya pala pamilyar ung pangalan nya.

“YON? Nakakasar yon, Antipatiko, ang yabang nya. Scenestealer. Spoiled pinalaki yon no? Hinila ba naman ako sa dancefloor kahit umayaw ako? Kitang masakit nga paa ko kakasayaw. Hudas yon. Badtrip ako sa kanya. Wag sya magpapakita sakin, hayop sya..”

Hindi ko na naririnig si Trina.

“Hoy? Bakla?”

Hindi sumasagot. Tinignan ko yung phone ko.  Hindi naman binaba.

“ Hoy.”

“Yes??”

SHET! Lalake sumagot! Pamilyar yong boses! Binaba ko agad yong phone tapos pinatay ko ‘yon. Baka tumawag ulet yong lalakeng yon.

Si Mark.

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon