Chapter Forteen: June 2

2K 46 5
                                    

 

June 2, 2008

Dumaan kami sa grocery store ng SM bago pumunta sa kanila. Again, sumakay ako sa cart.

This is the fun of being a teenager.

Pagtanda ko, hindi na pwede ‘to.

Habang dumadaan kami sa aisle, naglalagay sya ng mga bagay na kailangan nila sa bahay nila. Hindi na sya gumagamit ng listahan. Sinasabi lang sa kanya ni Nanay Esme kung anong dapat bilhin.  Alam kong nang-aasar sya dahil lahat ng inilalagay nya sa cart, tumatama sa ‘kin.

Hita, Binti, Paa.. Sibuyas, Fresh milk, Grape juice.. Lahat ng mabigat!

Minsan talaga naiisip kong lasing ako nung araw na sinagot ko sya.

In return, kumukuha ako ng mga bagay na gusto ko at hindi kasama sa budget nya. At agad naman nyang binabalik yung mga kinukuha ko. In the counter, kitkat na bente pesos lang yung natira sa lahat ng kinuha ko.

“Kuripot.” Sabi ko.

“Gwapo naman.”

“Nakabili ng flowers, tapos chocolate ko bente pesos lang. Hindi naman nakakain yung flowers.”

“Oo nga. Tapos tinapon mo lang.” May hinanakit na sabi nya sa’kin. Pag-uwi ko kumuha lang ako ng isang tangkay ng rose tapos tinapon ko yung buong bouquet. Makikita kasi ng buong bayan. Chismis galore yon.

“You know why.”

“Pasalamat ka mura lang ‘yon.” Natawa ako. Bakit parang sa tingin ko hindi naman mura ‘yon?

Nang umuwi kami, bahala na sya mag-ayos ng mga pinamili namin, dumiretso na ko sa loob ng living room nila at natulog.  

Nagising ako ng bandang hapon, May unan na ako sa ulo at kumot simula paa hanggang beywang. Umupo ako at kinusot nang bahagya ang mata ko, may contact lenses kasi ako. Kapag natutulog ako ng may contact lenses, binabasa ko ng solution ang mga mata ko pagkagising or better yet tinatanggal ko agad. Dahil kapag hindi ko ginawa agad yon, didikit yon sa mata ko and eventually titigas, then mabubulag ako.

Nakita ko syang nakaupo sa single-seated sofa, nanonood ng TV. Maya maya nag-aya na syang kumain pero pinagtripan ko muna sya. Matagal ko na syang gustong make-up-an. Feeling ko kasi ang ganda nya kapag naging babae sya. Sakto ngayong araw dahil may dala akong make-up. Isosoli ko kasi kay Dez yung mga ginamit namin nung nagsayaw, pati na rin yung naiwan kong damit kukuhain ko.

"AYOKO!" Sigaw nya. Magkatabi na kami noon.

"Dali na. K.A. pa."

"K.A.?" Tanong nya.

"Kunwari Ayaw. Dali na, sandali lang naman." Pinilit ko talaga sa kanya.

"Wag makulit, Jackie."

"Please, Mark?" When I beg, he can't resist.

"Basta ipagluluto mo ‘ko."

"DEAL!"

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon