Chapter Forty: November

2K 32 13
                                    

Chapter Forty: November

 

November 2010

Lumalabas na yung picture ko dati, kasama ang Puschia.

Bukod kay Dox at Luke, may dalawa pang lalaki sa Puschia. Si Gimbert at Rec-rec.

Si Rec-rec ang boyfriend ni Jenelyn na naging kablock din namin.. Damay damay kasi sa Puschia. Kapag may sabit, kasama na.

Bale 14 kami in total.

Si Valerie

Ate Andi

Lex

Zen

Gimbert

Trisha

Angel-Luke

Kaye-Dox

Jenelyn-Rec rec

Jackie-Mark

Noong single kuno ako, madalas kong kasama at kausap si Gimbert.

Hanggang sa inaasar na kaming dalawa para sa isa’t isa.

Kasalanan ko rin kasi dahil mapang-asar ako.  Hahaha. XD

Yung mga kunwaring kilig pag inaasar kami.. Mga gano’n. Pauso ko ‘yon. Kaya madalas kaming maasar.

Pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan e parang batang kapatid lang ang turing ko sa kanya.

May isang lumabas sa Facebook na magkatabi kami ni Gimbert sa Yoshinoya.

Tapos may isa pa. Meron din akong display picture na magkasama kami ni Gimbert.

Nang-asar pa si Mark na ano daw yung mga picture na ‘yon.. Nagcomment talaga sya sa picture pero nagbibiro lang sya.

 Nakwento ko rin naman kasi yung mga pangyayaring yon kaya okay lang sa kanya.

Ang hindi nya lang nakaya, ay yung nakahiga ako sa lap ni Gimbert noong nasa field kami.. Recent picture kasi. Wala lang naman sa’kin yon at hindi big deal pero naasar talaga sya.

Noong una hindi nya ako kinakausap.. Tumatawag ako pero hindi nya sinasagot. Naka-online sya sa Facebook pero hindi sya nagpiPM sa’kin.

Pinalipas ko muna.

Kumain ako, tapos aral-aralan..

After few minutes, nagtanong ulit ako.

Jackie: Bakit ka ganyan? May nangyari ba?

Mark:    :|

Jackie: ?

Mark: >:(

GALIT?

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon